Ebanghelyo: Juan 3:16-21
Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kayat ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang hindi na mawala ang bawat nananalig sa kanya kundi magkaroon ng buhay magpakailanman.
Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. Hindi hinuhukuman ang nananalig sa kanya. Ngunit hinukuman na ang hindi nananalig pagkat hindi siya nananalig sa Ngalan ng bugtong na Anak ng Diyos.
Ito ang paghuhukom: dumating sa mundo ang liwanag pero mas minahal pa ng mga tao ang karimlan kaysa liwanag sapagkat masasama ang kanilang gawa. Ang gumagawa ng masama’y napopoot nga sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, at baka malantad ang kanyang mga gawa. Lumalapit naman sa liwanag ang gumagawa ng katotohanan upang mabunyag na sa Diyos ginagawa ang kanyang mga gawa.
Pagninilay
Nakakapagtaka lang ang ugali ng tao! Mapapanood natin ito ngayon sa Unang Pagbasa. Upang hindi magpatalo at mapa-iral ang kanyang kapangyarihan, ang nandudumilat na katotohan ay gusto nilang igapos. Subalit hindi kai-lanman maipipiit ang katotohanan. Iuuntog mo ang ulo mo sa pader kung ipipilit mong takpan ang katotoha-nan. Nailigpit na ng mga lider ng sinagoga si Jesus. Napatahimik na nila ang pangangaral Niya. Ngunit hindi nila nalasap ang tagumpay. Pati mga alagad na nakasusi pang ikinulong sa bilangguang-bayan ay pinalaya ng anghel upang ipagpatu-loy ang pangangaral.
Nais ng Diyos na iligtas ang mundo. Sino ang makapipigil sa Kanya? May tanikala bang hindi nya kayang putulin? May bilangguan bang hindi nya maaring pasukin? Pati mga pipi’y kaya Niyang pagsali-tain. Tangi ang kalayaan lamang ng tao ang hindi Niya kayang labagin. Maliligtas lamang tayo kung ito’y ating nanaisin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022