Ebanghelyo: Juan 3:7b-15
Huwag kang magtaka dahil sinabi ko sa iyong kaila-ngan kayong isilang mula sa itaas.
Umihip ang hangin kung saan nito nais, at naririnig mo ang ihip nito pero hindi mo alam kung saan ito galing at kung saan ito patungo. Gayon din nga ang bawat isinilang mula sa Espiritu.”
Sumagot sa kanya si Nicodemo: “Paano pupuwede ang mga ito?” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ikaw ang guro ng Israel at hindi mo alam ang mga ito?
Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo: ang alam namin ang aming sinasabi at ang nakita namin ang aming pinatutunayan, at hindi naman n’yo tinatanggap ang aming patunay. Mga bagay na nga sa lupa ang sinasabi ko sa inyo at hindi kayo naniniwala, kaya paano kayo maniniwala kapag mga bagay sa langit ang sasa bihin ko sa inyo. Walang umakyat sa langit maliban sa bumaba mula sa langitang Anak ng Tao.
At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa disyerto, gayun din dapat itaas ang Anak ng Tao upang magkaroon ng buhay magpakailanman ang bawat nananalig sa kanya.
Pagninilay
Ang itinaas na ahas sa disyerto ay naging sanhi ng kagalingan mula sa kamandag ng naglipanang mga ahas nang sumuway at magreklamo ang mga Israelita laban kay Yawe at kay Moises. (Bilang 21:5-6)
Ang pagkakapako sa Krus ni Jesus ang s’yang naging pagtataas sa kanya upang magdulot ng ka-ga lingan sa mga natuklaw ng ahas ng pagsuway at pagrereklamo. Ang pagsuway at pagrereklamo ay dulot ng kawalang- pananampala-taya. Marami tayong hinahanap na patunay at marami tayong kaila-ngang tanda para manampalataya. Tinawag pang pananampalataya kung palaging nakatukod sa himala at pahiwatig.
Buo ang pananampalataya ng tao sa Diyos o sa kapwa kung walang kundisyon ang kanyang pagtalima at pagsunod. Pag-aralan nating sumayaw sa daloy ng Banal na Es-piritu tulad ng pag-indak ng mga punong-kahoy sa ihip ng hangin. Sapagka’t hindi nakikita ng mata ang Diyos at hindi nauunawaan ng isip ang karunungan Niya. Malibang makaisang puso at damdamin natin ang Diyos, hindi natin makikilala ang paghahari Niya sa ating buhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022