Ebanghelyo: Marcos 16:15-20
At sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal. Malilig-tas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at di sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.”
Matapos silang kausapin ng Panginoong Jesus, iniakyat siya sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila.
Pagninilay
Kinagigiliwan ng Panginoon ang taong mapagpakumbaba. Itinataas Niya ito at pinapakinggan. Dahil sa kababaang-loob mainam ang kanyang ugnayan sa Diyos at sa kapwa. Malaki ang tiwala niya sa Diyos kaya’t hindi siya basta-basta nagagapi ng kaaway o ng aali-aligid na diyablo. Takot ang kaaway sa taong may mababang kalooban.
Ito ang kagitingan ng Ebang-helistang si San Marcos. Pinsan siya ni San Bernabe na isang dakilang alagad na sumuporta sa bagong- misyonerong si San Pablo. Maga-ling ang teamwork nina Bernabe at Pablo kaya’t napalago’t napalawak nila ang mga Kristiyanong Komuni-dad. Ang pagsama ni San Marcos sa misyon ng dalawa ay nagsimulang mainam. Sa gitna’y naging sanhi si Marcos ng matinding pagtatalo ng dalawang lider. Naghiwalay sila ng landas: isinama ni Bernabe si Marcos at isinama naman ni Pablo si Silas. Sa dulo’y bumawi si Marcos at muling naging kapaki-pakinabang kay Pablo. Kung bubuuin ang kwento ni Marcos, hindi maikakailang naging tulay ng pagbabagong-loob niya si San Pedro na tumukoy sa kanyang “anak ko”. 1 Pedro 5:14
© Copyright Pang Araw-Araw 2022