Ebanghelyo: Juan 20:19-31
Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Jesus at pumagitna. At sinabi niya sa kanila: “Kapayapaan sa inyo!”
Pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon.
At muli niyang sinabi sa kanila: “Kapayapaan sa inyo! Kung paanong isinugo ako ng Ama, ipinadadala ko rin kayo.”
At pagkasabi nito, hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatiliin.”
Hindi nila kasama si Tomas na tinaguriang Kambal, na isa sa Labindalawa, nang dumating si Jesus. Kaya sinabi sa kanya ng iba pang mga alagad: “Nakita namin ang Panginoon!” Sinabi naman niya: “Maliban lamang na makita sa kanyang mga kamay ang tatak ng mga pako at maipasok ang aking daliri sa pinaglagusan ng mga pako at maipasok ang aking kamay sa tagiliran niya, hinding-hindi ako maniniwala!”
Makaraan ang walong araw, muling nasa loob ang kanyang mga alagad at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus ha bang nakasara ang mga pinto at pumagitna.
At sinabi niya: “Kapayapaan sa inyo!” At sinabi niya kay Tomas: “Ilapit mo rito ang daliri mo at tingnan ang aking mga kamay. At ilapit ang kamay mo at ipasok sa aking tagiliran at huwag tumangging maniwala kundi maniwala!”
Sumagot si Tomas sa kanya: “Panginoon ko at Diyos ko – ikaw!” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Dahil ba sa nakita mo ako kaya ka naniniwala? Mapapalad ang mga hindi nakakita at naniniwala.”
Ngayon, marami pang ibang tandang ginawa si Jesus sa harap ng kanyang mga alagad, na hindi naman nasu-sulat sa kasulatang ito. Isi-nu lat naman ang mga ito upang maniwala kayo na si Jesus ang Kristo, ang Anak ng Diyos. At sa paniniwala ninyo’y magkaroon kayo ng buhay sa bisa ng kanyang Pangalan.
Pagninilay
Ang Banal na Awa ay masasak-sihan natin sa tagpo ng Ebang-helyong isinasalaysay ngayon. Hindi kasama si Tomas sa unang pag-papakita ni Jesus. Sa pa ngalawang pagkakataon ay nandoon na ang mapagdudang apostol. Sa halip na sitahin at paratangan ng kawalang- pananampalataya si Tomas, binig-yang-awa siya ni Jesus; inalok ng pagkakataong mailatag ang kan-yang agam-agam at hilumin ang kanyang kahinaan.
Sa laki ng awa ng Diyos, pati anino ni Pedro ay sapat na upang mapagaling ang mga maysakit at ang mga inaalihan ng masasamang espiritu. At kahit hindi mangahas sumama sa mga alagad ni Jesus ang mga nakasaksi ng kababalaghan sa kamay ng mga apostol, ibinuhos ang banal na awa mula sa “Una at Huli” upang makabuklod din sila sa pana-nampalataya.
Lahat tayo’y iniligtas ng awa ng Diyos. Walang bilang ang mga pagkakataong pinatawad Niya tayo. Walang pasubali ang alok Niyang pagliligtas at kaganapan. Walang sawa ang Kanyang pagpapagaling at pagmamahal. Kaya’t sa mga taong mababaw at makitid ang pang-unawa sa katarungan, “Ganun lang yun?” ang mabilis na tinanong kapag nakasaksi ng pagpapatawad at pagpapalaya. Kung sa sarili nating mga labi lumabas ang mga kata-gang “Ganun lang?” hindi kaya pag-hihiganti o kabayaran ang hanap natin sa buhay?
Ang tunay na layunin ng pagpa-patawad sa kapwa ay ayon sa Banal na Awa: palayain ang nagkasala sa bigat ng kasalanan at burahin ang latay ng kasamaan upang ma-panumbalik ang dalisay na karanga-lan ng mga anak ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022