Ebanghelyo: Juan 13:21-33, 36-38
Pagkasabi ng mga ito, nabagabag ang kalooban ni Jesus, at nagpatunay: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo: ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.” Nagtinginan ang mga alagad at pinagtatakhan kung sino ang tinutukoy niya. Nakahilig sa tabi ni Jesus ang isa sa kanyang mga alagad, ang mahal ni Jesus. Kaya inanguan ito ni Simon Pedro para usisain si Jesus kung sino ang kanyang tinutukoy.
Kaya paghilig niya sa tabi ni Jesus, sinabi niya sa kanya: “Panginoon, sino ba iyon?” Sumagot si Jesus: “Siya iyong ipagsasawsaw ko ng kapirasong tinapay at siya kong bibigyan.” At pagkasawsaw ng kapirasong tinapay, ibinigay niya iyon kay Judas, anak ni Simon Iskariote. Kasunod ng kapirasong ito, pumasok sa kanya si Satanas. Kaya sinabi sa kanya ni Jesus: “Magmadali ka sa gagawin mo.”
Walang nakaunawa sa mga nakahilig sa hapag kung ba’t sinabi niya iyon sa kanya. Dahil nakay ni Judas ang bulsa, inakala ng ilan sa sinasabi sa kanya ni Jesus: “Bumili ka ng mga kailangan natin para sa Piyesta,” o kaya’y mag-abuloy sa mga dukha.
Kaya pagkakuha niya sa kapirasong tinapay, agad siyang lumabas. Gabi noon.
Pagkalabas ni Judas, sinabi ni Jesus: “Niluwalhati na ngayon ang Anak ng Tao, at niluwalhati rin sa kanya ang Diyos. At agad naman siyang luluwalhatiin ng Diyos sa sarili nito.
Mga munting anak, sandali na lamang n’yo akong kasama. Hahanapin ninyo ako at gaya ng sinabi ko sa mga Judio sinasabi ko rin sa inyo ngayon, ‘Kung saan ako papunta, hindi kayo makaparoroon.’
Sinabi sa kanya ni Simon Pedro: “Panginoon, saan ka papunta?” Sumagot si Jesus: “Hindi ka makasusunod ngayon sa akin saan ako papunta; susunod ka pagkatapos.” Winika sa kanya ni Pedro: “Panginoon, bakit hindi ako makasusunod ngayon? Maiaalay ko ang aking buhay alang-alang sa iyo.” Sumagot si Jesus: “Iaalay mo ang buhay mo alang-alang sa akin? Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, hinding-hindi titilaok ang tandang hanggang makaitlo mo akong maitatuwa.”
Pagninilay
Ang Diyos ay mapag-aruga tulad ng mga uliran at butihing mga magulang. Kabilang sa pagaaruga ang pagtatama at pagtu-turo ng kabutihan at ka toto hanan. Sa ating mundo na kinai iralan ng dilim at kasamaan, madalas ay kina-kaila ngang daanin ang pagwa wasto at paghuhubog sa pagdidisiplina ng mga anak. Dahil ang pamamaraang ito ay hindi naaayon sa na uunawaan at nais ng mga anak, nagmimistu-lang parusa at hindi pagmamahal. Ang tanging nadarama at napapan-sin ng anak na winawasto ay ang sakit ng ka looban na kanyang nara-ranasan. Ito’y hindi dahil sa siya ay si-nasaktan kundi dahil siya ay punung-puno ng kanyang sarili.
Katulad ng mga Israelita, sa dinami-rami ng mga mabubuting bagay na ipina malas ng Diyos sa kanila, sila ay nagpuri at sumamba sa Panginoon. Ngunit nang makara-nas ng gutom, uhaw, pagod at hirap, sa isang iglap ay nakalimutan na ang kabutihan ng Diyos. Kinailangang di-siplinahin sila ng Diyos upang magi-sing sila sa kanilang pagkakamali.
Ang panahon ng krisis na hatid ng pandemya ay masasabi nating isa sa maraming pamamaraan ng pagdisiplina ng Diyos sa tao. Marami ang nagbalik-loob sa Diyos. Marami ang nagsuri ng kanilang buhay, nag timbang ng kanilang mga pina-hahalagahan kaya’t natuklasan ang kanilang mga kabulagan, pagkuku-lang at pagkakamali.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022