Ebanghelyo: Juan 12:1-11
Anim na araw bago mag-Paskuwa, pumunta si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni Lazaro na pinabangon ni Jesus mula sa mga patay. Kaya naghanda sila roon ng hapunan para sa kanya. Nagsilbi si Marta at kabilang naman sa mga kasalo niya ay si Lazaro. Kinuha si Maria ang isang librang mamahaling pabangong mula sa purong nardo at pinahiran ang mga paa ni Jesus at pinunasan ng kanyang buhok ang mga paa niya. At napuno ng halimuyak ng pabango ang pamamahay.
Sinabi ni Judas Iskariote na isa sa kanyang mga alagad na siyang magkakanulo sa kanya: “Ano’t di ipinagbili nang tatlundaang denaryo ang pabangong ito para maibigay sa mga dukha.” Sinabi niya ito hindi dahil may malasakit siya sa mga dukha kundi dahil magnanakaw siya; nasa kanya ang bulsa ng pananalapi at nangungupit siya sa inilalagay doon.
Kaya sinabi ni Jesus: “Pabayaan mo siya’t inilaan niya ito para sa araw ng paglilibing sa akin. Kasama ninyong lagi ang mga dukha ngunit hindi n’yo ako laging kasama.”
Marami sa mga Judio ang nakaalam na naroon siya. At dumating sila hindi dahil lamang kay Jesus kundi para makita si Lazaro na pinabangon niya mula sa mga patay. Pinag-usapan naman ng mga punong-pari ang pagpatay pati na kay Lazaro, pagkat marami sa mga Judio ang lumilisan dahil sa kanya at nananalig kay Jesus.
Pagninilay
“Hahawakan kita sa kamay at iingatan.” Isaias 42:6 Kung ikaw ay nakaranas ng pagmamahal, maibabahagi mo ito sa kapwa hindi lamang bilang pasa-salamat sa kabutihang natamasa kundi tila ligwak ng kapunuang iyong naranasan. Ganito ang panganga-laga at pag-iingat na nakamulatan ni Jesus, hindi lamang kay Jose at Maria kundi lalo’t higit sa piling ng Diyos Ama.
Sa oras ng kagipitan mapapatu-nayan kung ang isang tao ay kapos o puno ng pagmamahal. Ang magka-kapatid na Marta, Maria at Lazaro ay halimbawa rin ng mga taong nakara-nas ng pagmamahal. Ang pagtang-gap, paglilingkod at pag-unawa nila kay Jesus sampu ng kanyang mga alagad ay sumasalamin sa isang pananampalataya’t pagmamahal na bagkus ay hindi pa ganap at lubos ay may katangian nang kakaiba sa serbisyong binabayaran o napipi-litan. Handa rin nilang panin digan at panagutan ang katapatan kay Jesus. Hindi lihim o patago ang paki-kipagkaibiga’t pagsunod nila sa turo at halimbawa ni Jesus.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022