Ebanghelyo: Juan 20:1-9
Ngayon, pagkatapos ng Araw ng Pahinga, habang madilim pa, maagang pumunta sa libingan si Maria Magdalena, nang makita niyang tanggal ang bato mula sa libingan, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.”
Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo kay Pedro ang isa pang alagad, at unang nakarating sa libingan. Pagkayuko niya’y nakita niyang nakalatag ang mga telang linen pero hindi siya pumasok.
Dumating namang kasunod niya si Simon Pedro, at pumasok sa libingan. Napansin niya ang mga telang linen na nakalatag, at ang panyo namang nakatalukbong sa ulo niya ay di kasama sa mga telang linen na nakalatag kundi hiwalay na nakabilot sa mismong lugar nito. Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan, at nakita niya at siya’y naniwala. Sapagkat hindi pa nila alam ang Kasulatan na kailangan siyang magbangon mula sa mga patay.
Pagninilay
We have just come out of the passion and death journey with Jesus. The passion and death is tragic and painful experience from merely human sight. But it is surprisingly a very positive event in human history. There has never been an event so strong, so forceful, so complete statement of God’s love for humanity. The resurrection of Jesus manifests that death is not the final word. By raising Jesus back to life, God has shown that He is in control of the history. He has the Word. Mourning is not the end; we are brought to the “early morning” event (the encounter of the risen Christ), the journey to new life. The resurrection event is full of light, of hope, of communion. The community of the apostles attests to this: “Ngunit binuhay siyang muli ng Diyos sa ikatlong araw at ipinakita siya; hindi sa lahat ng tao kundi sa mga saksing hinirang na noong una pa ng Diyos – kami na kumain at uminom na kasalo niya matapos na muli siyang mabuhay” (Acts 10:40-41). Ito ang araw ng kagalakan at pasasalamat. Hindi tayo tinalikuran ng Diyos sa kadiliman. Ang kanyang presensya ay muling ipinahayag sa mga mapanganib at malulungkot na mga landas ng tao, gaya ng karanasan ng mga disipulo sa Emmaus, upang sagipin tayo mula sa bitag ng kawalang pag-asa: tayo rin ay maipakita na kasama ni Jesus sa kaluwalhatian (Col 3: 4).
© Copyright Pang Araw-Araw 2021