Naalala ko nung bata pa ako, mga 4 o 5 yrs old siguro yun, tinuruan ako ng lolo ko papano paputiin ang kaldero. Kailangan kuskusin ng mabuti ng buhangin at ng abo para mawala yung uling sa pwet ng kaldero. Tapos pag maputi na at malinis na saka lang sasabunin para ready na sa next na saing. Dun pa yun sa may water pump sa likod ng bahay madalas namin ginagawa. Sekreto sa paglinis ng kaldero – ABO.
Later nung nag-aral na ako, sabi ni titser, dati daw abo ang ginagamit bilang toohpaste. Di na ako nagtaka. kung ang kaldero nga sa sobrang itim, ang ngipin pa kaya di nya kaya. Ginagamit nga ang abo bilang pang linis ng ngipin. Tipid pa diba? Wag mo lang lunukin dahil di yan makakalinis ng intestine. Sekreto ng maputing ngipin ng sinaunang sosyal na tao – ABO.
Dahil feeling scientist si ako at McGiver kunu nung bata pa, anu mang maisipan ko na gawin sinusubukan at talagang gagawin. Sabi ko nun, kung yung kaldero nga e nalinis ng abo, anu kaya kung sa inodoro subukang gamitin ko din ito. Sinubukan. Pumuti. Di na kinailangan ng detergent at muriatic. Keep away from children pa naman ang nakalagay sa bote ng muriatic. Sekreto ng malinis na inodoro – ABO.
Malimit akong turuan ng lolo ko kahit tatlong taon o apta na taon pa lang ako nun ng mga science facts at mga praktikal na bagay. Encyclopedia of science at ung libro ng universe ang malimit na binabasa ko. Syempre dahil bulingit, di ko masyado maintindihan ang mga scientifical explanations kaya itong si lolo ay gagawa ng mga scientific experiments para makita ng mga mata ko at mas madali kong maintindihan. Naalala ko pa, isang araw nagtanong ako, Lo anung ibig sabihin ng combustible? Sabi kasi ng book ay the sun daw contains a lot of combustible gases… (di ko na matandaan ngayon anu yung mga yun). Sabi nya, ang combustible daw ay anything that is capable of igniting and burning. English. Oo ingles kasi UP Prof si Lolo. Mahirap din kasi ipaliwanag kaagad sa Bikol. Ang kasunod na tanung ko sa kanya ay anung nangyayari pag ang isang bagay ay combustible. At dun na yung hands on eperiment. Kumuha sya ng kahoy at sinunog. Umapoy ang kahoy, nagbaga, sarap hawakan buti na lang ako’y kanyang pinigilan. Makulit na bata e. Naging charcoal ung ibang bahagi at ung the rest ng kahoy ay naging abo. Sabi nya, lahat ng bagay pag sinunog ay nagiging abo. Di mo na madidistinguish na ito yung kahoy, eto yung dating upuan o mesa o kahit tao. Lahat ay nagiging parehas. Lahat ay nagiging ABO. Pagtotally consumed, abo ang kahihinatnan. Abo na parang lupa na ulit.
Nung medyo nakaka intindi na ako ng ingles na malalim, I started reading the Bible and in it nabasa ko na maraming pagkakataon lalu na sa Old Testament na ginagamit ang abo to symbolize something. Kasama ng abo ang sackcloth (parang tela pero gawa sa itim na buhok ng kambing at hindi komportable suotin). Ashes accompanied sackcloth in times of national disaster or repenting from sin. Katulad ng nasa Esther 4:1 ipinakita kung papano pinunit ni Mordecai ang kanyang damit at nagsuot ng sackcloth at abo. Pati nga buong bayan ganun din ginawa. Makikita din natin na etong mga sackcloth at abo ay ginagamit as a public sign of repentance and humility sa harap ng Dios. Naala nyo ba yung kwento ni Jonah? Sabi nya wawasakin ng Dios ang kanilang bayan dahil sa kanilang kawalang hiyaan… then suddenly ang hari at ang buong sambayanan ay sumagot ng pagsisisi, pag-aayuno, at pananamit ng sackclothat paglagay ng abo (Jonah 3:5–7).
Ang pagsuot ng sackcloth and ashes ay mga panlabas na palatandaan ng kung anu man ang nilalaman ng puso ng gumagamit o gumagawa nito. Ito’y PAGPAPAKITA NG MAKATOTOHANANG PAGBABAGO NG NILALAMAN NG KANYANG PUSO AT IPINAPAKITA ANG KANYANG KATAPATAN SA KANYANG PAGDADALUMHATI AT PAGSISISI. Bigla ko tuloy naisip ang tunay na dahilan bakit nakaiitim tayo pag may patay. Bigla ako napangiti. Wala nga naman dito masyadong kambing na itim para kunin ang buhok nito at gawing damit (sackcloath). Nag evolve ang fashion sa mundo.
Kidding aside, it was not the act of putting on sackcloth and ashes itself that moved God to intervene, BUT THE HUMILITY na ipinapakita ng pagsuot ng sackcloath at paglalagay ng abo. Naalala mo ba kwento ni David sa 1 Samuel 16:7? Pinatawad sya ng Dios at sabi ni David sa kanyang kanta: “You removed my sackcloth and clothed me with joy” (Psalm 30:11).The city of Niniveh was spared from destruction dahil nakita ng Dios ang taos pusong pagbabago ng buong bayan.
Ngayong Myerkoles ay marami na namang mga hindi Katoliko ang magtatawanan sa gagawin ng mga Katoliko. Ipinapapalala ko lang na libo libong taon bago pa dumating si Kristo ginagawa na ang paglalagay ng abo. Buti nga ngayon may art na sa noo at di ka mangangati sa buong katawan. Dahil symbolo na lang ipinapahiwatig ng araw ng paglalagay ng abo.
Symbolo ng ano? Una, itoy pahiwatig na simula na ng panahon ng Kwaresma. 40 na araw ng pagsisisi, pag aayuno, pagsubok na magbago. 40 araw na sakrispisyo at pagpapakita ng awa at kawang gawa. 40 araw ng pag reflect sa buhay natin bilang mga tagapag sunod ni Kristo at tagapagpalaganap ng kanyang Mabuting Balita. Ito’y hudyat din ng 40 days na binibigay sa iyo upang maging malinis ang iyong puso para sabay ka sa Nabuhay na Kristo sa muli mo ding pagkabuhay bilang isang tunay (“sana”) na Kristiyano.
Ikalawa, ang abo na nilalagay sa ating noo ay pagpapaalala na kailangan nating linisin ang buling sa ating puso. Di man natin malinis ito ng abo physically gaya ng paglinis ng caldero, atleast alam mo na kailangan mong linisin ito. Paalala din ito na kailangan nating paputiin ang kaluluwa natin, kasing puti ng mga ngipin na nilinis ng abo. At lalong lalu na, paalala ito na dapat nating linisin ang ating mala-inodorong buhay nung mga panahong nakalimot kang magmahal at rumespeto sa kapwa tao.
Ikatatlo, paalala din ito na dapat ay maniwala tayo sa Mabuting Balita ng Panginoon, magbalik loob tayo sa Dios at be reconciled to him. “Return to me with your whole heart, with fasting, and weeping, and mourning; Rend your hearts, not your garments, and return to the LORD, your God.” But make sure when you do the deeds of mercy, the fasting and the mourning, it is done with authenticity. The Gospel of the day tells us what we are suppose to do.
Ika-apat, itoy paalala na ikaw at ako, pag sinunog tayo, lahat tayo ay magiging abo. Gwapo/maganda ka man o pangit/bruha ang itsura, mayaman o mahirap, matalino o bugo sa tanan, successful o malas sa buhay, may date sa valentines day o wala, may nagmamahal o walang ka-forever… abo ka lang po. Kaya paalala ito na wag masyado mataas ang noo. Be humble. Sa mata ng Dios, ang humble na tao ay ang mas pinakikingan at minamahal ng todo.
At lastly, itoy paalala din sa atin na nagmula tayo sa abo. Sa abo pa din ang balik ko at pati kayo. Huwag na nating hintayin na tumanda tayo at saka pa lang magbabago. Huwag na nating hintayin na magkasakit ng terminal cancer o anu pa mang sakit saka lang tayo makaisip na magbago. Huwag na nating hintayin kung kelan kokonti na lang ang araw bago tayo bumalik sa abo saka tayo magbabago.
BEHOLD, NOW IS A VERY ACCEPTABLE TIME; BEHOLD, NOW IS THE DAY OF SALVATION. NGAYON NA ANG PANAHON PARA MAGBAGO.
HINDI PWEDENG PALAGAY LAGAY KA LANG NG ABO SA IYONG NOO. YOU SHOULD BE HUMBLE ENOUGH TO ADMIT AND CONFESS YOUR SINS, DO PENANCE AND CHANGE.