Ebanghelyo: Juan 1:1-18
Sa simula’y naroroon na nga ang Wikang Salita, at naroroong kaharap ng Diyos ang Salita, at Diyos ang Salita. Naroroon na nga siyang kaharap ng Diyos sa simula. Sa pamamagitan niya nayari tanang mga bagay, at hiwalay sa kanya’y walang anumang nayari. Ang niyari ay sa kanya nagkabuhay, at ang buhay ang liwanag para sa mga tao. Nagningning sa karimlan ang liwanag at di ito nasugpo ng karimlan. May taong sugo ang Diyos – Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya para sa pag papatunay, para magpatunay tungkol sa Liwanag, upang maka panalig ang lahat sa pamama gitan niya. Hindi siya mismo ang Liwanag, kundi para magpatunay tungkol sa Liwanag. Pagkat pa pa rating noon sa mundo ang Liwa nag na totoo na siyang naglili wanag sa bawat tao. Nasa mundo na nga siya, ang mundong nayari sa pamamagitan niya, at di naman siya kinilala ng mundo. Sa sariling kanya siya dumating at hindi siya tinanggap ng mga kanya. Ngunit sa lahat ng tumanggap sa kanya sa pananalig sa kanyang Pangalan, binigyang-kakayahan nga niya sila na ma ging mga anak ng Diyos. Ipinanganak nga sila, hindi mula sa dugo, ni mula sa kagustuhan ng laman, ni sa kagustuhan ng lalaki kundi mula sa Diyos. At naging laman ang Wikang-Salita, at itinayo ang kanyang Tolda sa atin, at nakita natin ang kanyang Luwalhati. Luwalhating mula sa Ama na bagay sa bugtong na Anak, lipos ng Kagandahang-loob at Katotohanan. Nagpapatunay sa kanya si Juan at isinisigaw: “Siya ang sinabi kong ‘Nauna na sa akin ang duma ting na kasunod ko, pagkat bago ako’y siya na’.” Mula sa kanyang kapuspusan nga tumanggap tayong lahat oo, abut-abot na kagandahang-loob. Sa pamamagitan ni Moises ibinigay ang Batas, sa pamamagitan naman ni Jesucristo dumating ang Kagandahang-loob at Katotohanan. Kailanma’y walang sinumang naka kita sa Diyos; ang Diyos na Anak na bugtong siyang nasa kandungan ng Ama – ang nagpahayag sa kanya.
Pagninilay
Ngayong araw, ang buong mundo ay nagagalak sa pagdiriwang ng Pasko sa kapanganakan ni Jesus, ang ating Liwanag, ang ating Mesiyas, at ang ating Tagapagligtas. Ang mundong nilikha mula sa Salita ng Diyos ay nagagalak sapagkat ang Salita’y nagkatawang-tao at nanahan kasama natin. Siya ang liwanag na tumanglaw sa atin mula sa kadiliman. Ang mga pangako ng Diyos mula sa mga propeta tulad ni Isaias ay naganap na. Mula sa sulat sa mga taga-Hebreo, nakipagkasundo ang Diyos sa sangkatauhan mula sa propeta sa iba’t-ibang pamamaraan. Ngayon ay tumutuloy Siya sa atin mula sa pagpapakatao ng Kanyang bugtong na Anak para ating matunghayan ang larawan ng maka-Diyos na pag-ibig at awa. Nang may lubos na kagalakan, sumabay tayo sa pagawit ng salmo, “Ang buong mundo’y natunghayan ang kaligtasan ng kapangyarihan ng Diyos.” Ating ibahagi ang ating kasiyahan na manatiling anak ng Liwanag upang mabanaagan ang lahat sa liwanag ng Panginoon. Pagsumikapan nating manatiling buhay ang liwanag ni Jesus habang hinihintay ang Kanyang muling pagdating.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023