Ebanghelyo: Lucas 1:5-25*
(…) Minsan, habang naglilingkod si Zacarias sa harap ng Diyos nang turno pa ng kanyang pangkat, nagpalabunutan sila ayon sa kaugalian ng kaparian at siya ang napiling pumasok sa santuwaryo ng Panginoon para magsunog ng insenso. Kaya sa oras ng pag-aalay ng insenso habang nanana langin ang buong bayan sa labas, napa kita sa kanya ang anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng altar ng insenso. Naligalig si Zacarias at sinidlan ng takot pagkakita rito. Ngunit sinabi sa kanya ng anghel: “Huwag kang mata kot, Zacarias; dininig na ang iyong panalangin. Ipanga nganak sa iyo ng asawa mong si Elizabeth ang isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Juan. Magi ging ligaya at tuwa mo siya, at marami rin ang magagalak dahil sa kanyang pagsilang. Magiging dakila nga siya sa harap ng Panginoon. Hindi siya iinom ng alak ng ubas o ng butil at mapupuspos siya ng Espiritu Santo mula sa sinapupunan ng kanyang ina. Panunumbalikin niya ang maraming anak ng Israel sa Panginoong kanilang Diyos. Mangunguna siya sa Pangi noon taglay ang diwa at kapangyarihan ni Elias para papagkasunduin ang mga magulang at mga anak, at ibalik ang mga masuwayin sa pag-unawang ba gay sa mga makatarungan upang maihanda ang isang bayang angkop sa Panginoon.” Sinabi naman ni Zacarias sa anghel: “Paano ko ito matitiyak? Matanda na nga ako at may katandaan na rin ang aking asawa.” Sumagot ang anghel at sinabi sa kanya: “Ako si Gabriel na nasa harap ng Diyos. Ako ang sinugo sa iyo para kausapin ka’t ihatid ang magandang balitang ito. Matutupad sa takdang panahon ang aking mga salita; ngunit ikaw na di naniniwala ay magiging pipi at di makapagsasalita hanggang sa araw na mangyari ang mga ito.” Naghihintay naman kay Zacarias ang bayan at nagtataka sa pagtatagal niya sa loob ng santuwaryo. Nang lumabas siya, hindi na siya makapagsalita kaya nalaman nilang nakakita siya ng isang pangitain sa loob ng santuwaryo. Sumesenyas na lamang siya sa kanila at nanati ling pipi. Nang matapos na ang panahon ng kanyang paglilingkod, umuwi si Zacarias. At pagkaraan ng mga araw, nagdalantao ang asawa niyang si Elizabeth ngunit limang buwan itong di lumabas ng bahay at sinabi: “Ito’y gawa ng Panginoon! Ipinasya niyang alisin ang kahihiyan ko sa paningin ng mga tao.”
Pagninilay
Sa mga dalagang humihigit 30 edad pataas, pinapayuhan na huwag nang tagalan ang pagdadalang-tao sapagkat hindi na ito madali. Hindi nakapagtataka na magduda si Zacarias sa mensahe ng anghel na magdadalang-tao pa ang kanyang asawa na si Isabel dahil matanda na silang dalawa. Dahil sa matuwid sila sa mata ng Diyos, biniyayaan sila ng anak na magiging tagapagbalita at tagapaghanda sa landas ng Mesiyas. Dahil sa pag-aalinlangan ni Zacarias, napipi siya hanggang manganak si Isabel. Sa katahimikan ni Zacarias, nabigyan din siya ng panahon na magnilay sa mga salita ng anghel na kanyang narinig. Sa kabilang dako, si Isabel ay nagpuri at nagpasalamat sa Panginoon sa malaking biyayang ipinagkaloob sa kanya matapos ang matagal na panahon ng pana nabik sa isang anak. Ang Panginoon ay mayroong sariling pamamaraan at panahon. Magtiwala at manalig sapagkat nakikinig ang Diyos sa atin g mga panalangin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023