Ebanghelyo: Lucas 20:27-40
Lumapit noon ang ilang Sadduseo na mga taong tutol sa pagka buhay. At itinanong nila kay Jesus: “Guro, isinulat ni Moises para sa amin: ‘Kung may magka kapatid na lalaki at mamatay na walang anak ang isa sa kanila, kailangang kunin ng kanyang kapatid ang kanyang asawa para mag pasibol ng supling sa kanyang kapatid.’ Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki. Nagasawa ang panganay at namatay na walang anak. Kinuha ng pangalawa ang biyu da, at pagkatapos ay ng pa ngatlo naman, pero hindi nagkaanak ang pito. Namatay sila at sa bandang huli’y namatay rin ang babae. Sa pagkabuhay, ka nino sa pito siya maituturing na asawa? Ang pito nga ang umangkin sa kanya.” Sinagot sila ni Jesus: “Nagaasawa ang mga ta ong nasa daigdig na ito, lalaki man o babae. Ngunit hindi na magaasawa ang mga ituturing na karapatdapat sa kabilangbuhay at sa pagkabuhay ng mga patay, lalaki man o babae. Hindi na nga sila mamamatay. Kapantay na sila ng mga anghel at mga anak sila ng Diyos matapos silang ibangon. Tiyak na may pagkabuhay ng mga patay; ipina hiwatig ito kahit na ni Moises sa kabanata ng palumpong nang tawagin niyang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob ang Panginoon. Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay, at buhay na kasama niya silang lahat.” Nagsalita ang ilang guro ng Batas: “Guro, talaga ngang tama ang iyong sinabi.” Mula noo’y wala nang na ngahas na magtanong pa sa kanya.
Pagninilay
Sa Ebanghelyo, ipinapahiwatig ni Jesus kung ano ang mangyayaring pagbabago sa panahon ng muling pagkabuhay. Wala nang kasalang magaganap. Ang atin g nagkakaibaibang relasyon sa kapwa tao ay magbabago. Tayo’y magiging magkakapatid sa harapan ng Diyos sa muling pagkabuhay, kung saan walang nakakalamang o nagkukulang. Wala nang kamatayan tulad ng mga anghel sapagkat matatamasa sa langit ang buhay na walang hanggan. Samakatuwid, kung ganito ang atin g patutunguhan, walang silbi ang ating mga alitan, ang mga pakikipagagawan, pagka makasarili, at kasakimang nagdudulot ng pagkasira sa re las yon sa kapwa. Kung nagha hangad tayong makibahagi sa grasya ng muling pagkabuhay, pagsikapan nating maging karapatdapat humarap sa Panginoon. Tayo’y magturingan bilang magkakapatid habang nandito pa tayo sa lupa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023