Ebanghelyo: Lucas 18:35-43
Nang malapit na si Jesus sa Jeri co, may isang bulag doon na nakaupo sa tabi ng daan at nagpa palimos. Nang marinig niya ang maraming taong nag daraan, itinanong niya kung bakit. At may nagsabi sa kanya: “Sina Jesus na tagaNazaret ang dumaraan.” Kaya sumigaw siya: “Jesus, Anak ni David, maawa ka sa akin.” Pinagsabihan siya at pinatahimik ng mga nauuna pero lalo naman niyang nilakasan ang sigaw: “Anak ni David, maawa ka sa akin.” Kaya tumigil si Jesus at ipinadala ang bulag sa kanya, at nang malapit na ay itinanong: “Ano’ng gusto mong gawin ko sa iyo?” Sinabi nito: “Panginoon, maka kita sana ako.” At sinabi ni Jesus: “Manumbalik ang paningin mo, iniligtas ka ng iyong pananalig.” Agad siyang nakakita at niluluwalhati ang Diyos na sumunod kay Jesus. At nagpuri rin sa Diyos ang lahat ng naka kita rito.
Pagninilay
Pangarap ng isang bulag na makakita. Hindi madali ang kanyang kalagayan sapagkat hindi niya nakikita ang mukha ng kanyang mga mahal sa buhay at ang kagandahan nang mga nilikha ng Diyos. Kaya naman, nagmakaawa ang bulag kay Jesus at hini ling na siya’y makakita. Dahil sa kanyang lubos na pananampalataya sa Panginoon, hindi siya nabigo. Marami sa atin na bukas ang mga mata ngunit hindi nakikita ang kagandahan sa kapwa at kapaligiran dahil sa galit at mga hinanakit. Napapalitan ng paninira ang paghanga at pagpapasalamat sa mga kabutihan ng kapwa at mga bagay nitong mundo. Tulad ng bulag na lumapit kay Jesus, hingin natin sa Panginoon na mawala ang anumang bagay na humahadlang upang matuklasan natin ang kagandahan sa kapwa. Nawa’y ma kita tayo nang iba mula sa mata ni Jesus na mabuti at maawain.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023