Ebanghelyo: Lucas 14:12-14
Sinabi naman ni Jesus sa naganyaya sa kanya: “Kung maghahanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mga kaibigan mo o mga kapatid mo o mga kamaganak o maya yamang kapitbahay ang iyong kumbidahin, baka kumbidahin ka rin nila at susuklian ka. Kung maghahanda ka, mga dukha, mga balewala, mga pilay at mga bulag ang kumbidahin mo. At magiging mapalad ka dahil hindi ka nila masu suklian ngunit sa pagkabuhay ng mga mabuti ka susuk lian.”
Pagninilay
Nakasanayan talaga natin ang paganyaya sa ating mga kamaganak, mga kaibigan, at mga taong malapit sa ating puso sa mga pagdiriwang tulad ng araw ng kapa nganakan, kasal, binyag, at mga anibersaryo. Nasisiyahan tayo kung ang ating mga inanyayahan ay dadalo sa handaang ipinagdiriwang. Gayunpaman, tinuturuan tayo ni Jesus na ang dapat nating anyayahan ay ang mga dukha, lumpo, bulag, at mga taong hindi makakaganting umanyaya sa atin. Pinapaalalahanan tayo ni Jesus na huwag nating kalimutan ang mga dukha at mga lubos na nangangailangan. Sila ang malapit sa puso ni Jesus. Hindi sila makakaganti sa atin ngunit ang ating ganti’y nananahan sa Panginoong tumatanaw sa ating kabutihan para sa kanilang minamahal ng Panginoon. Silang mga tinatalikdan nitong mundo’y uunahing higit sa Kaharian ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023