Ebanghelyo: Mateo 23:1-12
At sinabi ni Jesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad: “Ang mga guro ng Batas at mga Pariseo ang umupo sa puwesto ni Moises. Pakinggan at gawin ang lahat nilang sinasabi pero huwag silang pamarisan, sapagkat nagsasalita sila pero hindi naman ginagawa. Naghahanda sila ng mabibigat na pasanin at ipinapatong sa mga balikat ng mga tao. Ngunit hindi nila ikinikilos ni isang daliri para galawin ang mga iyon. Pakitangtao lamang ang lahat nilang ginagawa; dahil dito, mala lapad na laso ng Kasulatan ang gusto nila para sa kanilang noo, at maha habang pala wit sa kanilang balabal. Gusto nilang mabigyan ng pangu nahing lugar o upuan sa mga pi ging at sa sinagoga. Ikina tutuwa rin nilang mabati sa mga liwasan at matawag na guro ng mga tao. Huwag kayong patawag na guro sa pagkat iisa lamang ang Guro ninyo at magkakapatid kayong lahat. Huwag din ninyong tawaging ama ang sinuman sa mundo sapagkat iisa lamang ang inyong Ama, siya na nasa Langit. Huwag din kayong patawag na gabay sapagkat iisa lamang ang inyong Patnubay, si Kristo. Maging alipin ninyo ang pinakadakila sa inyo. Sapagkat ibababa ang nag papa kataas at itataas ang nagpapaka baba.
Pagninilay
Ang isang kura paroko’y nagtataka dahil biglang yumabong ang Parokyang kanyang pinaglilingkuran. Dumami ang nagbibigay kaya maraming natapos at mga proyektong nagawa. Nagtanong siya sa kanyang mga parokyano kung paano ito nangyari. Nagsalita ang parokyano, “Dahil nakita nang mga tao ang kanyang pamumuhay at pagiging saksi bilang pari.” Magiging makabuluhan ang pagpapahayag sa Salita ng Diyos kung ito’y makikita sa buhay at pagsaksi ng tagapagpahayag. Nakakalungkot isipin na mayroong mga mananampalatayang nanghihina dahil sa kanilang nakikita sa ilang mga namumuno sa Simbahan na hindi angkop ang pamumuhay sa kanilang itinuturo. Sa Ebanghelyo, pinangaralan ni Jesus ang mga alagad na sundin ang turo nang mga tagapagturo ng batas at mga pariseo maliban sa kanilang mga gawi. Ang mga pagbasa ngayong Linggo ay tumutukoy sa pagninilay sa pagdadala at paglilingkod sa Simbahan. Kinakailangan akma at tunay ang pamumuhay at pagsaksi sa Salita ng Panginoong ating ipinapahayag. Ito’y makikita sa maarugang paglilingkod sa sangkatauhang naglalarawan sa pagibig at awa ng Diyos. Sikapin natin na ang Simbahan, lalo na ang mga namumuno rito, ay manahan sa aral ng Simbahan at ang ating pamumuhay mismo’y maging saksi sa Salita ng Panginoong ating ipinapahayag.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023