Ebanghelyo: Lucas 14:1-6
Isang Araw ng Pahinga, pumasok si Jesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo para ku main, at minamanmanan naman nila siya. Nasa harap niya roon ang isang taong mina manas kaya nag tanong si Jesus sa mga guro ng Batas at mga Pariseo: “Puwede bang magpagaling sa Araw ng Pahinga o hindi?” Hindi sila umi mik kaya hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinaga ling ito at saka pi na uwi. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila: “Kung mahulog sa balon ang anak o ang baka ng isa sa inyo, di ba’t agad niya itong iniaahon kahit na Araw ng Pahi nga?” At hindi nila siya nasa got.
Pagninilay
Sa lahat ng sakramento, ang Pagpapahid ng Banal na Langis sa may sakit ang maaaring hingin kahit hatinggabi. Ang pari’y nagiging on-call para sa ganitong sakramento. Ito’y nagpapakitang ang kaligtasan at mapagpalang kapangyarihan nang Panginoo’y walang pinipiling panahon. Nasa Panginoon ang buong panahon na kahit sa Araw ng Pamamahinga’y nagpapatuloy pa rin si Jesus sa pagpapagaling sa mga may sakit. Dahil dito, palaging nakabantay ang mga pariseo at mga tagapagturo nang batas kay Jesus sa tuwing siya’y nagpapagaling sa mga may sakit sa Araw ng Pamamahinga, na para sa mga Judio ay isang banal na batas. Walang batas na makakapigil sa makaliligtas at mapagpalang kapangyarihan nang Diyos. Nawa’y huwag tayong mapigilan ng batas at huwag ring maging mapili sa panahong gagawa nang kabutihan at habag sa ating kapwa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023