Ebanghelyo: Juan 6:37-40
Lalapit sa akin ang bawat ibini bigay sa akin ng Ama, at hindinghindi ko ipagtatabuyan sa labas ang luma lapit sa akin. Sa pagkat pumanaog ako mula sa Langit hindi para gawin ang aking kalo oban kundi ang kalooban ng nagpadala sa akin. Ito ang kalooban ng nagpadala sa akin: na huwag kong pabayaang ma wala ang bawat ibinigay niya sa akin; sa halip ay itatayo ko ito sa huling araw. Ito nga ang kalooban ng Ama ko: magkakaroon ng buhay magpakailan man ang bawat pumapansin sa Anak at nananalig sa kanya, at itatayo ko siya sa huling araw.”
Pagninilay
Ang huling lagda sa batas ng Simbahan o Canon Law ay nagsasaad na ang kaligtasan ng kaluluwa ang pinakahigit sa lahat ng batas (Can. 1752). Naparito si Jesus upang iligtas at pabanalin ang sangkatauhan nang Diyos. Samakatuwid, kalooban ng Diyos na ang lahat ay maligtas at maging banal sa Kanyang harapan. Ang pagdiriwang ng Paggunita sa mga Nangamatay ay isang paalala na lahat tayo’y lilisan sa mundo at ang ating buhay sa lupa’y isang pag hahanda sa ating kamatayan. Sa araw ng pakikipagtagpo sa Panginoon, tayo’y huhukuman sa hustisya nang Kanyang awa. Bawat pag diriwang nitong araw para sa mga nangamatay, nililinisan natin ang mga libingan at nagaalay tayo ng panalangin at mga pamisa sa mga kaluluwa. Alalahanin nating mas mahalagang ihanda ang paglilinis sa ating kaluluwa habang tayo’y buhay pa sa pamamagitan nang pagsisisi at paglapit sa Panginoon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023