Ebanghelyo: Lucas 13:18-21
Sinabi pa ni Jesus: “Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos? Sa ano ito maiku kumpara? Tulad ito sa buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at itinanim sa kanyang hardin: lumaki, naging parang puno at sumi silong sa kanyang mga sanga ang mga ibon ng langit.” At sinabi niya uli: “Sa ano ko iku kumpara ang kaharian ng Diyos? Ka tulad ito ng lebadura na kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.”
Pagninilay
Isang nagpapari ang palaging nagtatrabaho at wala nang panahong mamahinga. Sinabi nang pari sa kanya, “Huwag magpasobra sa pagtatrabaho. Magpahinga din sapagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi magwawakas bukas.” Ang paglago sa kaharian ng Diyos ay hindi kailanman mapipigilan. Lumalago ito mula sa kalooban at panahon ng Diyos. Kaya hindi tayo dapat na magalala kung mayroong mga kabiguan sa ating mga gawing pang-Simbahan. Ang misyon ng Simbahan sa pagtatayo sa kaharian ng Diyos ay nasa Diyos mismo. Tayo ay hindi dapat mangamba. Ipagkatiwala natin sa Panginoon ang ating mga gawain at mga naisin para sa pagyabong sa misyon ng Simbahan. Magpapatuloy tayo sa pagsunod sa ating layunin sa pagpapahayag ng Mabuting Balita kung tayo’y magiging saksi sa pananampalataya nating Kristiyano sa gawa at salita. Nalalaman ng Panginoon ang ating mga pagsusumikap at mga kabiguan. Ang higit na makabuluhan ay ang ating pananatiling tapat na katiwala sa ubasan ng Panginoon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023