Ebanghelyo: Lucas 10:38-42
Sa kanilang paglalakbay, pumasok si Jesus sa isang nayon at pinatuloy siya ng isang babaeng nagnga ngalang Marta. May kapatid siyang babae na tina tawag na Maria. Naupo ito sa may paa nan ng Panginoon at nakikinig sa kanyang salita. Abalang-abala naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya lumapit siya at sinabi: “Panginoon, hindi mo ba napapansing pinabayaan ako ng aking kapatid na babae na magsilbing mag-isa? Pakisabi mo naman sa kanya na tulungan ako.” Sumagot sa kanya ang Panginoon: “Marta, Marta, abala ka’t balisa sa ma raming bagay; isa lang naman ang ka ilangan. Pinili nga ni Maria ang ma inam na bahagi na hindi kukunin sa kanya.”
Pagninilay
Kaninong gawi ang mas makabuluhan, kay Marta na ginawa ang lahat upang panatilihin si Jesus o kay Maria na piniling maupo sa paanan ni Jesus upang makinig sa Kanya? Hindi natin masasabing may mas higit sa kanila. Ang bawat nilang pamamaraan ay nagpapamalas ng kanilang lubos na pagtanggap kay Jesus sa kanilang tahanan. Pero nagpapaalala si Jesus na hindi tayo kailangang mangamba sa ibang mga bagay. Ang nais niya’y makinig tayo sa kanyang Salita at papasukin ito sa ating mga puso upang isabuhay. Ang ibang bagay ay dagdag na lamang kung tayo’y nakikinig at ginagabayan ng Salita ni Jesus. Hindi rin magiging makabuluhan ang ating pakikinig sa Salita kung walang gawa. Kailangan nating pagsumikapan ang pagkakamit sa balanseng buhay: sa pakikinig sa Salita ng Panginoon at pagsaksi nito sa ating mga gawa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023