Ebanghelyo: Mateo 18:1-5, 10
Nang panahong iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at tina nong nila siya: “Sino ang mas una sa kaharian ng Langit?” Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at ipinagitna sa kanila, at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo na hang gang hindi kayo nagbabago at nagi ging katulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Langit. Ang nag papaka baba gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinaka malaki sa kaharian ng Langit. At ang sinumang tumanggap sa batang ito dahil sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin. Huwag sana ninyong hamakin ang isa sa maliliit na ito; talagang sinasabi ko sa inyo na laging nasa harap ng aking Ama sa Langit ang kanilang mga anghel sa Langit.
Pagninilay
Mayroong isang pari na sa bawat pagkakataong magbabasbas siya sa mga namatay na munting bata, naglalaan siya nang katahimikan upang humingi nang panalangin sa batang namatay. Ito’y kanyang ginagawa sapagkat naniniwala siyang ang bata’y isang anghel na wala pang bahid ng kasalanan. Tulad ng mga anghel, malapit siya sa puso ng Panginoon. Ang paniniwalang mayroong mga anghel ay isang paalalang bilang mga naniniwala sa Panginoon, dapat nating sikaping maging malapit sa Diyos. Hindi ito imposible. Si Jesus mismo ang pumili sa bata na makakapasok sa kaharian sa langit. Samakatuwid, dapat nating pagsikapan ang pagkakamit sa katangian nang isang bata. Siya ay payak, hindi naghihinanakit, at nagtitiwala sa Panginoon. Nang sa gayon, mapalapit tayo sa Diyos at maging karapat-dapat sa kaharian Niya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023