Ebanghelyo: Mateo 21:28-32
Nagpatuloy si Jesus: “Ano sa pala gay ninyo? May dala wang anak ang isang tao. Lumapit siya sa isa at si nabi: ‘Anak, pumunta ka nga yon at mag trabaho sa aking uba san.’ Su ma got ang anak: ‘Ayo ko.’ Ngunit pag ka tapos ay nagbagong-isip siya at pumunta. Pinun tahan din ng ama ang pangalawang anak at ga yun din ang sinabi. Sumagot naman ang anak: ‘Opo.’ Pero hindi siya pu mun ta.” At itinanong ni Jesus: “Sino sa dala wang anak ang tumupad sa gusto ng ama?” Sumagot sila: “Ang una.” At sinabi ni Jesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: mas na uuna sa inyo patungo sa kaharian ng Langit ang mga publi kano at mga babaeng bayaran. Du ma ting nga si Juan para ipakita sa inyo ang daan ng kabutihan pero hindi kayo naniwala sa kanya, samantalang naniwala na man ang mga publikano at mga babaeng bayaran. Na kita ninyo ito at hindi kayo nagsisi o naniwala sa kanya.
Pagninilay
Ang parating mithiin nang isang tao ay nakasalalay sa kung anong kanyang pinipili. Ang taong masama o makasalanan ay may kakayahang pumili na magbago patungo sa kabutihan. Ang taong mabuti ay may kakayahan ding piliing maging masama. Sa talinhaga sa ebanghelyo, isinisiwalat ang katotohanang ang Panginoon ay patuloy na nag-aanyaya sa ating pagiging mabuti sa pamamaraang maging masunurin sa kanyang utos. Ito’y nakasalalay sa ating pagpili kung susunod ba tayo o hindi sapagkat ang Panginoon ay hindi namimilit kailanman. Binigyan niya tayo ng konsensya na ating pakinggan at kakayahang pumili. Sa unang pagbasa, nagpapaalala si Propeta Ezekiel na kahit gaano kasama ang tao, nananahan sa kanya ang kaligtasan sa pagpiling talikdan ang pagiging makasalanan at maging matuwid. Ang taong makasalanan ngunit nagsisisi ay makakamit ang pagbabago at mananatiling sa Panginoon. Sa bawat panahong tayo’y nagkakasala, nasusugatan natin ang ugnayan sa Diyos at napapalayo sa Kanya hanggang umabot ang pagkakataong maputol ang relasyon. Ang pagpili sa Panginoon ay pagpili rin sa buhay. Sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos, pinapaalalahanan tayo ni San Pablo na kahit si Jesus, na Anak ng Diyos, at Siya mismo’y Diyos, pinili Niya ang pagiging masunurin sa kalooban ng Diyos at naglingkod na mapagkumbaba. Siya ay lumapit sa mga nawawala ng landas at makasalanan upang ibahagi ang pag-ibig at awa ng Diyos sa kapatawaran ng mga nagsisisi. Dahil sa kanyang pagpapakumbaba at pagkamasunurin, dinadakila Siya ng Diyos Ama. Ang pagparito ni Jesus sa mundo ay isang mensahe na ang puso ng Diyos ay lumalapit sa atin lalo na sa mga makasalanan sapagkat Siya’y mapagmahal at mahabagin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023