Ebanghelyo: Lucas 9:1-6
Tinawag ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng lakas at kapangyarihan para supilin ang lahat ng demonyo at magpagaling ng mga sakit. Sinugo niya sila para ipa hayag ang kaharian ng Diyos at mag bigaylunas. Sinabi niya sa kanila: “Huwag ka yong magdala ng anuman sa inyong paglakad, ni tungkod, ni supot, ni ti na pay, ni salapi; huwag kayong mag ka roon ng tigalwang bihisan. Sa alin mang bahay kayo naki tuloy, doon kayo tumigil hanggang sa pagalis ninyo. Kung may hindi tatang gap sa inyo, umalis kayo sa bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal laban sa kanila.” Kaya nga lumabas sila at dumaan sa lahat ng bayan na nangangaral at nagpapagaling saanman.
Pagninilay
Ang misyon ng pagpapahayag sa Mabuting Balita ay isang mabigat na tungku lin. Ito’y nangangailangan ng pagsasabuhay upang maging matagumpay at maka mit ang layuning ipakilala, mahalin, pag lingkuran, at papurihan ang Panginoon. Pinapaalalahanan ni Jesus ang mga alagad na huwag magdala nang mga bagay tulad ng salapi at iba pang pansariling pangangailangan na maaaring makasagabal habang kumi kilos para sa misyon. Sa ganitong paraan, mauunawaan din ng mga alagad na manalig sa habag at gabay ng Panginoon sa tulong ng mga taong kanilang pinaglilingkuran. Nawa’y maging mapagbigay ang mga tao sa pagsuporta sa mga programang pangSimbahan upang ang lahat ay maging kabahagi sa misyon nang pagpapahayag. Ipanalangin natin ang mga kumikilos sa Simbahan, kasama ang mga pari, na mas maging masigasig at hindi malinlang ng mga makamundong bagay sa kanilang pagtahak sa misyong ipahayag ang Salita ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023