Ebanghelyo: Lucas 7:31-35
“Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan, at sa ano sila katulad? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa, at nagrerek lamo ang ilan sa kanila: ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo at hindi kayo sumayaw, at nang umawit naman kami ng punebre, ayaw naman ninyong umiyak. Ganito rin naman ang nangyari. Du mating si Juan Bautista na hindi ku ma kain ng tinapay ni umiinom ng alak, at ang sabi ninyo’y ‘Nasisiraan siya ng bait!’ Duma ting naman ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at sinabi naman ninyong ‘Narito ang taong matakaw at lasenggo, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan.’ Ga yon pa ma’y nakilala ng kanyang mga anak ang Karu nungan.”
Pagninilay
Ang Apostolikong Panalangin ni San Antonio Maria Claret ay nabuo sa pagkakakilala, pagmamahal, paglilingkod, at papuri sa Panginoon. Ganito rin ang mithiin sa ating pagpapahayag ng mabuting balita upang ang lahat ng tao’y mapalapit sa Diyos na malalim ang pagkilala, pagmamahal, paglilingkod, at pagbibigay papuri. Bakit kaya meron pa ring mga taong nananati ling malayo sa Panginoon? Bakit kaya marami pa ring nag sa sa isangtabi at nagi ging Kristiyano sa pangalan na lamang? Hindi isinasabuhay ang kanilang pananampalatayang Kristyano? Isa sa mga dahilan nito ay ang pagsaksi natin sa ipinapahayag na mabuting balita. Mayroon tayong mga kapatid na nawawalan ng sigla at nanghihina sa pananam pa lataya dahil hindi akma ang ka nilang katangian, paguugali, at pamumuhay sa atin g ipina pahayag. Kung magpapaha yag ng Mabuting Balita ni Jesus, nararapat na tayo’y kapanipaniwala sa atin g pagsaksi. Kung taliwas sa ipina pahayag ng Ebanghelyo ang buhay natin, hindi natin maaakit ang iba patungo sa Diyos, Simbahan, at pagtanggap sa mga sakramento. Nawa’y maging makabuluhan ang pagsaksi natin upang magdulot ito ng buhay sa atin g ipinapahayag.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023