Ebanghelyo: Mateo 18:21-35
Nagtanong naman si Pedro: “Pa nginoon, gaano kadalas ko naman dapat patawarin ang mga pagku kulang ng aking kapatid? Pitong be ses ba?” Sumagot si Jesus: “Hindi, hindi pitong beses kundi pitumpu’t pitong beses. Tungkol sa kaharian ng Langit ang kasaysayang ito. Isang hari ang nag pasyang pagbayarin ng utang ang kanyang mga utusan. Nang simulan niyang suriin ang kuwenta, ini harap sa kanya ang isang may utang na sampung libong baretang ginto. Dahil walang ma ibayad sa kanya ang tao, iniutos ng panginoon na ipagbili at maging alipin siya kasama ng kan yang asawa, mga anak at mga ariarian bilang bayadutang. At nagpatirapa sa paanan ng hari ang opisyal at sinabi: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon, at ba bayaran kong lahat ang utang ko.’ Naawa sa kanya ang hari at hindi lamang siya pinalaya kundi kinansela pa ang kanyang utang. Pagkaalis ng opisyal na ito, nasa lu bong ni ya ang isa sa kanyang mga kasamahan na may utang namang sandaang barya sa kanya. Si nung gaban niya ito sa leeg at halos sakalin habang sumisigaw ng ‘Bayaran mo ang utang mo!’ Nagpa tirapa sa paanan niya ang kanyang kasamahan at nag sabi: ‘Big yan mo pa ako ng panahon, at baba yaran kong lahat ang utang ko sa iyo.’ Ngunit tumanggi siya at ipina kulong ito hanggang maka bayad ng utang. Labis na nalungkot ang iba nilang kapwalingkod nang makita ang nang yari. Kaya pinuntahan nila ang kani lang panginoon at ibinalita ang buong pang yayari. Ipinatawag naman niya ang opisyal at sinabi: ‘Masamang utusan, pinatawad ko ang lahat ng iyong utang nang maki usap ka sa akin. Di ba dapat ay naawa ka rin sa iyong kasamahan gaya ng pagkaawa ko sa iyo?’ Galit na galit ang panginoon kaya ibinigay niya ang kanyang utusan sa mga tagapagpa hirap hang gang mabaya ran nito ang lahat ng utang.” Idinagdag ni Jesus: “Ganito rin ang gagawin sa inyo ng aking Ama sa Langit kung hindi pata tawarin ng bawat isa sa inyo mula sa puso ang kanyang kapatid.”
Pagninilay
Isang pari ang nagtungo sa lugar na kanyang nasasakupan. Sinabi niya na putulin ang tatlong kahoy na malapit sa tirikan nang kandila upang hindi mabiyak ang sahig nito sapagkat lumilitaw na ang mga ugat. Makalipas ang ilang araw, tinawag niya ang nasasakupan dahil ibang puno ang kanilang pinutol. Natakot sila dahil baka magalit ang pari. Gayun pa man, sinabi nang pari, “kung magagalit ako, tatayo bang muli ang punong naputol na?” Walang dahilan ang galit kung ito’y tungkol sa bagay lamang. Nagdudulot ito nang sakit sa dibdib at panliliit sa taong kinakagalitan. Ang mga pagbasa tumutukoy sa pagpapatawad. Sa Ebanghelyo, pinapaalalahanan tayong ang Diyos ang unang nagpapatawad sa atin. Kaya dapat lamang na magpatawad tayo sa ibang nagkakasala sa atin. Pero bakit nga ba mahirap ang pagpapatawad sa iba? Marahil ba ay dahil hindi na nadarama ng iba ang pagpapatawad ng Panginoon? Sa pitong sakramento, ang Kumpisal o pakikipagkasundo ang kadalasang hindi nabibigyang pansin. Ang Sakramento ng Kumpisal ang pagkakataon kung saan ating mararanasan ang kapatawaran ng Panginoon mula sa mga salitang binabanggit ng pari. Ang mga salitang binabanggit ay nagbibigay tiwala na ang Diyos na mahabagi’y tunay ang pagpapatawad. Nararapat na bigyan ng sapat na halaga ang Sakramento ng Kumpisal upang sa pagtanggap natin sa pagpapatawad ng Diyos, tayo’y maging mapagpatawad sa iba. Sa pagpapatawad, natatanggap natin ang kapayapaan nang isipan at puso, at mawawaglit ang mga hinanakit na nagdudulot ng bigat sa ating buhay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023