Ebanghelyo: Mateo 18:21—19:1
Nagtanong naman si Pedro: “Panginoon, gaano kada las ko naman dapat patawarin ang mga pagkukulang ng aking kapatid? Pitong beses ba?” Sumagot si Jesus: “Hindi, hindi pitong beses kundi pitumpu’t pitong beses. Tungkol sa kaharian ng Langit ang kasaysayang ito. Isang hari ang nagpasyang pagbayarin ng utang ang kanyang mga utusan. Nang simulan niyang suriin ang kuwenta, iniharap sa kanya ang isang may utang na sampung libong baretang ginto. Dahil walang maiba yad sa kanya ang tao, iniutos ng panginoon na ipagbili at maging alipin siya kasama ng kanyang asawa, mga anak at mga ariarian bilang bayadutang. At nagpatirapa sa paanan ng hari ang opisyal at sinabi: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon, at babayaran kong lahat ang utang ko.’ Naawa sa kanya ang hari at hindi lamang siya pinalaya kundi kinansela pa ang kanyang utang. Pagkaalis ng opisyal na ito, nasalubong niya ang isa sa kanyang mga kasamahan na may utang namang sandaang barya sa kanya. Sinunggaban niya ito sa leeg at halos sakalin habang sumisigaw ng ‘Bayaran mo ang utang mo!’ Nagpatirapa sa paanan niya ang kanyang kasamahan at nagsabi: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon, at babayaran kong lahat ang utang ko sa iyo.’ Ngunit tumanggi siya at ipinakulong ito hanggang makabayad ng utang. Labis na nalungkot ang iba nilang kapwalingkod nang makita ang nangyari. Kaya pinuntahan nila ang kanilang pa nginoon at ibinalita ang buong pangya yari. Ipinatawag naman niya ang opisyal at sinabi: ‘Masamang utusan, pinatawad ko ang lahat ng iyong utang nang makiusap ka sa akin. Di ba dapat ay naawa ka rin sa iyong kasamahan gaya ng pagkaawa ko sa iyo?’ Galit na galit ang panginoon kaya ibinigay niya ang kanyang utusan sa mga tagapagpahirap hanggang mabayaran nito ang lahat ng utang.” Idinagdag ni Jesus: “Ganito rin ang gagawin sa inyo ng aking Ama sa Langit kung hindi patatawarin ng bawat isa sa inyo mula sa puso ang kanyang kapatid.” Nang tapos na si Jesus sa mga aral na ito, umalis siya sa Galilea at pumunta sa probinsya ng Judea sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan.
Pagninilay
Kung bibilangin ng Diyos ang pagpapatawad sa tao, hindi sapat ang mga araw ng ating buhay sa mundo sa maraming pagkakataong pinatatawad tayo nang Diyos. Nararapat lamang din na hindi natin bilangin ang pagpapatawad natin sa kapwa. Gayunpaman, anong nagpapahirap sa atin upang patawarin ang iba? Katigasan ba nang puso? Ang mga kabiguan ng mga taong nagkakasala sa atin? O hindi kaya dahil kulang ang ating karanasang tayo’y pinapatawad ng Panginoon sa kadahilanang hindi na tayo nangungumpisal? Ang kumpisal ay sakramento sa pakikipagkasundo sa Diyos at sa sambayanang Kristiyanong binabalot ng mapagmahal na habag ng Diyos sa pamamagitan ng mga salita sa absolusyong sinasambit ng pari. Nawa’y manumbalik ang pagbibigay halaga sa sakramento ng kumpisal upang ang kapatawaran at kaligayahang ating natatanggap mula rito ay maibahagi rin sa ating pagpapatawad sa iba.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023