Ebanghelyo: Mateo 13:36-43
At pinaalis niya ang mga tao at saka pumasok sa bahay. Lumapit noon sa kanya ang kanyang mga alagad at nagtanong: “Ipaliwanag mo sa amin ang talinhaga ng mga trigo sa bukid.” Su magot si Jesus: “Ang nagtanim ng ma buting buto ay ang Anak ng Tao. Ang bukid naman, ang daigdig; ang mabuting buto, ang mga tao ng Kaha rian; at ang masasamang damo, ang mga tauhan ng demonyo. Ang kaaway na naghasik sa kanila ay ang demonyo; ang pagaani ay ang kata pusan ng mundo, at ang mga mang gagawa ay ang mga anghel. Kung paanong tinitipon ang masa samang damo at sinusunog sa apoy, ga nito rin ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Ipadadala ng Anak ng Tao ang kanyang mga anghel at titipunin nila sa kanyang kaharian ang mga eskandalo at ang mga guma gawa ng masama. At itatapon ang mga ito sa nagliliyab na pugon kung saan may iyakan at pagnga ngalit ng ngipin. At pagkatapos nito, magni ningning ang mga makatarungan tulad ng araw sa Kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may tainga!
Pagninilay
Ang lahat ay may hangganan. Pagkatapos ng ating paglalakbay sa mundo, haharapin natin ang Panginoon at huhukuman batay sa ating mga ginawa. Sa araw ng ating binyag, natanggap natin ang binhi ng pananampalataya at ito’y pinalago sa pagaalaga ng ating mga magulang at mga taong may kaugnayan sa ating pananampalataya sa Kristiyanong pamayanan. Ang ganitong biyaya ay pinagtitibay ng pananampalataya sa sakramento ng kumpil upang magpatuloy tayo sa paglago at pagsaksi sa ating panana nampalataya ayon sa ating mga gawa at salita. Gayunpaman, maraming pagsubok ang ating pagdadaanan sa paglalakbay. May mga panahong babagyuhin o yayanigin ang ating pa nanampalataya. Tulad ng ma si pag ng magsasaka, magsumikap tayong alagaan ang binhi ng pananampalataya na tumubo sa ating puso upang sa katapusan, mayroon tayong bungang ipagkakaloob sa Panginoon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023