Ebanghelyo: Lucas 10:38-42 (o Juan 11:19-27)
Sa kanilang paglalakbay, pumasok si Jesus sa isang nayon at pinatuloy siya ng isang babaeng nagnga ngalang Marta. May kapatid siyang babae na tina tawag na Maria. Naupo ito sa may paa nan ng Panginoon at nakikinig sa kanyang salita. Abalang-abala naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya lumapit siya at sinabi: “Panginoon, hindi mo ba napapansing pinabayaan ako ng aking kapatid na babae na magsilbing mag-isa? Pakisabi mo naman sa kanya na tulungan ako.” Sumagot sa kanya ang Panginoon: “Marta, Marta, abala ka’t balisa sa ma raming bagay; isa lang naman ang ka ilangan. Pinili nga ni Maria ang ma inam na bahagi na hindi kukunin sa kanya.”
Pagninilay
Si Marta, Maria, at Lazaro ay kinikilalang malapit na mga kaibigan ni Jesus. Parati nilang tinatanggap si Jesus sa kanilang tahanan upang magpa hinga pagkatapos ng kanyang mga lakad. Pinaghahandaan parati ni Marta ang mga makakain at inumin ni Jesus habang si Maria’y nakikinig sa kanya. Masaya silang magkapatid sa pagtanggap kay Jesus. Sa panahon na namatay si Lazaro, nagdalamhati si Jesus bilang isang kaibigan. Hindi madali ang yaong pangyayari ngunit nanatili ang higit na pananalig nina Marta at Maria kay Jesus. Tumakbo si Marta nang marinig na dumating si Jesus at ipinabatid ang kanyang nararamdaman upang humupa ang kanyang kalungkutan. Tulad nito ang ugnayan na kaloob ni Jesus na nawa’y maranasan natin. Nais ni Jesus na maging malapit ang ating pakikipagkaibigan. Patuluyin natin si Jesus sa ating mga tahanan upang Siya’y maging sentro at kabahagi sa ating pa milya. Si Jesus ang ating matalik na kaibigan at tanggulan. Ang Kanyang mga Salita ang ating liwanag at gabay.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023