Ebanghelyo: Mateo 13:10-17
Pagkatapos ay lumapit sa kanya ang mga alagad at nagtanong: “Bakit sa pamamagitan ng mga talinhaga ka nag sasalita sa kanila?” Sumagot si Jesus: “Sa inyo ipinag ka loob na malaman ang mga lihim ng kaha rian ng Langit, ngunit hindi sa kanila. Sa pagkat ang meron ay bibigyan pa at sasagana pa siya. Ngunit ang wala ay aagawan pa ng nasa kanya na. Kaya nagsasa lita ako sa kanila nang patalinhaga sapag kat tumitingin sila pero wa lang nakikita, nakari rinig sila pero hindi nakikinig o nakaka unawa. Sa kanila natutupad ang mga salita ni Propeta Isaias: “Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo nakaka una wa; tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo naka kakita. Pinatigas nga ang puso ng mga taong ito. Halos walang naririnig ang kanilang mga tainga at walang nakikita ang kanilang mata. At baka makakita ang kani lang mata at maka rinig ang kanilang tainga at makaunawa ang kanilang puso, upang bu malik sila at pagalingin ko sila.” Ngunit mapapalad ang inyong mga mata na nakakakita at ang inyong mga tainga na nakakarinig. Sinasabi ko nga sa inyo na mara ming propeta at mabubuting tao ang may gustong makita ang nakikita ninyo ngayon pero hindi nila nakita, at mari nig ang inyong nariri nig pero hindi nila na rinig.
Pagninilay
Ang mga talinhaga’y kuwento mula sa pangkara niwang karanasan ng tao. Gina gamit ang mga ito upang maging madali ang pagunawa sa isang aral. Ito ang pa ma maraan ni Jesus upang magturo ng mga katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos. Kalakip nito ang mga misteryo sa Diyos at moralidad ng tao. Kaya naging madali ang pagunawa ng mga aral ni Jesus dahil sa kanyang paggamit ng mga talinhaga. Ito rin ay nagpapakita sa pagkamalapit ni Jesus sa karaniwang karanasan ng tao at kasaysayan. Gayunpaman, mas nagiging madali ang ating pag-unawa at pagtanggap sa mensahe ng Kaharian ng Diyos kung bukas ang ating mga tenga sa pakikinig at puso sa pagtanggap at pagni nilay nito. Maging isang payak, nagtitiwala at naniniwala ang puso. Pinagpalang tunay yaong mga bukas ang mga mata at tenga sa mga aral ni Jesus, ang Mabuting Balita.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023