Ebanghelyo: Mateo 9:9-13
Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo si Mateo at sinundan siya. At habang nasa hapag si Jesus sa bahay ni Mateo, maraming tagasingil ng buwis at iba pang makasalanan ang lumapit at nakisalo kay Jesus at sa kanyang mga alagad. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad: “Bakit kumakaing kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis ang inyong guro?” Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga maysakit! Sige, matutuhan sana ninyo ang kahulugan ng ‘Awa ang gusto ko, hindi handog.’ Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan.”
Pagninilay
Kung ang pari ay makita nang mga tao na nakikisama sa mga kilalang makasalanan sa pamayanan, tiyak mara ming hindi magandang komentaryo ang maririnig tung kol sa kanya. Hindi ito mahalaga sapagkat ganoon rin ang nangyari kay Jesus noong nakihalubilo Siya sa mga kobrador ng buwis at nakikain kasama nila. Hanggang ngayon, marami pa rin sa atin ang tulad ng mga pariseo: nagmamasid kung sino ang lumalapit sa Simbahan at pinipili lamang ang kanilang papansinin; kadalasan yun lamang may mga mataas na antas na lipunan. Si Jesus ay nagpapaalala na naparito Siya upang hanapin ang mga makasalanan at iligtas sila patungo sa mapagmahal na awa ng Diyos. Wika ni Papa Fran cisco, “ang Simbahan ay katulad ng isang ospital kung saan may mga lubos na sugatan at naiinitang puso…” Bilang Simbahan, nawa’y maging daan tayo nang pagpapakita sa tunay na kapangyarihan ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023