Ebanghelyo: Mateo 9:1-8
Muling sumakay sa bangka si Jesus, tumawid sa lawa at bumalik sa sariling bayan. Dinala sa kanya roon ang isang paralitikong nakahiga sa papag. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Lakasan mo ang iyong loob, anak! Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” Noo’y inisip ng ilang guro ng Batas: “Iniinsulto ng taong ito ang Diyos.” Alam ni Jesus ang kanilang mga niloloob, at sinabi niya: “Bakit kayo nag-iisip ng masama? Ano ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka at lumakad’? Dapat n’yong malaman na may kapangyarihan sa lupa ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko: “Bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi.” At bumangon ang tao at umuwi. Nang makita naman ito ng mga tao, napuno sila ng pagkamangha at nagpuri sa Diyos sa pagbibigay ng gayong kapangyarihan sa mga tao.
Pagninilay
Sa Sakramento ng Pag pa pa hid ng Banal na Langis sa may sakit, ang unang ba hagi nito ay ang pagkukumpisal. Kung hindi na maaari ito para sa may sakit, ang rito penitensyal para sa kapatawaran ng mga kasalanan ang ipinagkakaloob. Ito ay nagpapakita ng ugna yan sa kapatawaran ng mga kasalanan at lubos na kapang yarihan ng Panginoon. Sa Ebanghelyo, pinagaling ni Jesus ang paralitiko sa pamamagitan ng pagpapatawad sa kanyang mga kasalanan. Ang mga kasalanan natin ang nakakasugat sa ugnayan natin sa Diyos. Ang Panginoon lamang ang makakapawi nito dahil Siya lamang ang mayroong mapagpatawad na kapang yarihan. Bilang ambag, kina kailangan nating aminin ang ating pagkamakasalanan nang may mapagpakumbabang puso at dumulog kay Jesus na parating sumasaatin. Ang pagdating ni Jesus sa mundo at ang pagpapagaling Niya sa mga may sakit ay nagpapamalas sa mapagmahal na awa ng Diyos na lumalapit sa mga tao. Huwag tayong lumayo sa Kanya. Sa halip, lumapit tayo kay Jesus sapagkat walang hanggan ang Kanyang pagmamahal at awa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023