Ebanghelyo: Lucas 24:46-53
Sinabi niya: “Ganito ang nasusu-lat: kailangang magdusa ang Mesiyas at pagkamatay niya’y buhayin sa ikatlong araw. Sa ngalan niya ipahahayag sa lahat ng bansa ang pagsisisi at ang kapatawaran ng mga kasalanan – sa Jerusalem kayo mag-sisimula. Kayo ang magiging mga saksi sa mga ito. Ipadadala ko naman ngayon sa inyo ang ipinangako ng aking Ama kaya manatili kayo sa lunsod hanggang mabi-hisan kayo ng lakas mula sa itaas.”
At lumabas sila ni Jesus hang gang sa may Betania, at itinaas niya ang kanyang mga kamay at binasbasan sila. At habang binabasbasan niya sila, humiwalay siya sa kanila (at dinala sa langit. Sinamba naman nila siya.). Nag balik sila sa Jerusalem na puspos ng galak at lagi sila sa Templo na nagpupuri sa Diyos.
Pagninilay
Sinasabi sa Mabuting Balita, “Nagbalik sila sa Jerusalem na puspos ng galak at lagi sila sa Templo na nagpupuri sa Diyos.” Nasaksihan ng mga alagad ang pag-akyat ni Jesus sa langit. Ngunit bakit hindi sila nalungkot sa paglisan ni Jesus? Paanong nagkatotoo ang winika ni Jesus na ang lungkot nila’y mapapalitan ng galak?
Ito na marahil ang kapayapaang regalo ni Jesus sa kanyang paglisan. Ito ang tinatamasa nilang kapana-tagan ng loob bunga ng pagka-kilala kay Jesus na sadyang mapag-kakatiwalaan. May katiyakan sila sa kalooban na hindi sila iniwan upang pabayaan kundi upang higit na ma subaybayan at tulungan. Alam nilang tutuparin Niya ang Kanyang pangako at isusugo sa kanila ang Banal na Espiritu upang bihisan sila ng tapang at lakas.
Ngayon nagiging malinaw kung bakit tinawag silang mga kaibigan. Alam ng isang tunay na kaibigan kung paano at gaano ang kanyang maitutulong. Tapat siya sa kanyang kakayahan at kahinaan upang hindi ka umaasa sa hindi naman niya kayang ipagkaloob. At matapos ialok ang maari niyang itulong, sa-samahan ka ng isang tunay na kai-bigan sa iyong pag-iisa at aalalayan ka sa panalangin kung hindi ka niya mararating. Lahat ng ito’y naranasan at napatunayan nila: isang tunay na kaibigan si Jesus.
Ngayong babalik na si Jesus sa Ama, ibayong kaligayahan ang nag-uumaapaw sa puso nila. Hindi Siya karaniwang kaibigan! Kitang-kita nilang umakyat Siya sa langit! Nangako Siyang tatanggapin nila ang anumang hilingin nila
© Copyright Pang Araw-Araw 2022