Ebanghelyo: Juan 21:1-14
Pagkaraan ng mga ito, muling ibinunyag ni Jesus ang sarili sa mga alagad sa may Dagat ng Tiberias. Ganito ang kanyang pagbubunyag.
Magkasamang naroon sina Simon Pedro, Tomas na tinaguriang Kambal, Natanael na taga-Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa mga alagad niya. Sinabi sa kanila ni Simon Pedro: “Aalis ako para mangisda.” Sinabi nila sa kanya: “Sasama kami sa iyo.” Lumabas sila at sumakay sa bangka nang gabing iyo’y wala silang nahuli. Nang madaling-araw na, nakatayo si Jesus sa dalampasigan pero hindi nakilala ng mga alagad na si Jesus iyon. Tinatawag sila ni Jesus: “Mga bata, wala ba kayong isda?” Sumagot sila sa kanya: “Wala!” Kaya sinabi niya sa kanila: “Ihagis n’yo ang lambat sa bandang kanan ng bangka at makakatagpo kayo.” Kaya inihagis nga nila at hindi na nila makayang hilahin iyon dahil sa dami ng isda.
Kaya sinabi kay Pedro ng alagad na iyon na mahal ni Jesus: “Ang Panginoon siya!” Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, ibinigkis niya ang [kanyang] damit dahil hubad siya, at saka tumalon sa dagat. Dumating namang sakay ng maliit na bangka ang iba pang mga alagad pagkat hindi sila kalayuan mula sa pampang kundi mga sandaang metro lamang. Hila-hila nila ang lambat ng mga isda.
At pagkalunsad sa lupa, nakita nilang may nagbaba gang uling doon, na pinagiihawan ng isda, at may tina pay.
Sinabi sa kanila ni Jesus: “Magdala kayo mula sa mga isdang nahuli n’yo ngayon.” Kaya sumakay si Simon Pedro at hinila sa pampang ang lambat na puno ng sandaa’t limampu’t tatlong malalaking isda. At kahit nanapakarami’y hindi napunit ang lambat.
Sinabi sa kanila ni Jesus: “Halikayo’t mag-almusal!” Walang makapangahas sa mga alagad na mag-usisa sa kanya: “Sino ba kayo?” dahil alam nilang ang Panginoon iyon. Lumapit si Jesus at kumuha ng tinapay at ipina mahagi sa kanila. Gayundin sa isda. Ito ngayon ang ikatlong pagbubunyag ni Jesus sa mga alagad matapos siyang ibangon mula sa mga patay.
Pagninilay
Ang mga kabiguang ating nararanasan ay madalas nag-tutulak sa ating bumalik sa dating nakagawian. Kagaya ng mga apostol, bumalik sila sa pangingisda matapos mamatay ang sinusundan nilang Kristo. Nabura ang alaala ng mga turo, himala at makapang-yarihang presensya ni Jesus na taga Nazaret. Hindi pa nila natutuklasan ang panibagong presensya na higit sa anumang kaloob ng Diyos sa tao. Sa kanilang muling pangingisda,
“walang huli” ang kinahantungan nila. Ang dating kaalaman at kahu-sayan ay tila ba binawi at naglaho. Nguni’t sa isang utos ni Jesus, “Ihagis n’yo ang lambat” ay may panibagong galing at pag-igi na hindi maipagka-kailang buhat sa kapangyarihan at pagpapala ng Diyos. Walang pag-aalinlangang tatanawing biyaya sapagka’t hindi bunga ng pagsisikap at hindi hatid ng masusing pag-aaral o pag-iisip ng tao. Ito ang mabisang pagsaksi na pinangunahan ng pag-tatanong ng mga nakamalas ng pangyayari: Bakit ninyo ito ginawa at kanino galing ang kapangyarihang ito. Nakita nila at sila ay nagtanong. Hindi ba’t dahil kanilang nasaksihan?
© Copyright Pang Araw-Araw 2022