Ebanghelyo: Lucas 24:35-48
At isinalaysay naman nila ang nangyari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay.
Habang pinag-uusapan nila ang mga ito, tumayo siya mismo sa gitna nila (at sinabi sa kanila: “Huwag kayong matakot, sumainyo ang kapayapaan!”). Nagu lat nga sila at natakot, at akala’y nakakakita sila ng kung anong espiritu. Ngunit sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo naliligalig at puma-pasok ang alinlangan sa inyong isi pan? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa, ako nga siya. Hipuin ninyo ako at unawain ninyo na wa lang laman at mga buto ang isang espiritu, at nakikita ninyo na meron ako.” (Matapos masabi ito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa.)
Hindi sila makapaniwala sa labis na galak at nagtataka pa rin kaya sinabi niya sa kanila: “May makakain ba kayo rito?” At binigyan nila siya ng isang pirasong inihaw na isda (at pulot-pukyutan). Kinuha niya iyon at kumain sa harap nila.
Sinabi niya sa kanila: “Sinabi ko na sa inyo ang mga ito nang kasama ninyo ako: kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Batas ni Moises, Mga Propeta at Mga Salmo.” At binuksan niya ang kanilang isipan para mauna waan nila ang mga Kasulatan. Sinabi niya: “Ga nito ang nasusulat: kaila-ngang magdusa ang Mesiyas at pagkamatay niya’y buhayin sa ikatlong araw. Sa ngalan niya ipahahayag sa lahat ng bansa ang pagsisisi at ang kapatawaran ng mga kasalanan – sa Jerusalem kayo magsisimula. Kayo ang magi ging mga saksi sa mga ito.
Pagninilay
Ang pakikipaglakbay ni Jesus sa dalawang alagad patungo sa Emmaus ay isang paglalarawan ng buhay ng bawa’t mananampalataya. Matapos nating umasa at mabigo, ang landas na ating tatahakin ay pabalik sa ating tukoy na pinagmulan. Tila ba nabale-wala ang ating mga pangarap at pinagsikapan. Pauwi tayo dahil wala tayong alam na ibang pupuntahan; walang nalabi sa kislap at bango ng ating pinangarap. At sa paglalakbay pauwi, hindi natin inisip o sumagi man lang sa ating hinala na may sasabay sa ating paglalakbay na magbubukas ng ating paningin… Magugulat pa tayo sa bagong pana-naw na biglang nagliwanag.
Pinagpira-piraso ni Jesus ang tinapay. Di ba’t pinagpira-piraso rin tayo ng maraming pagkakataon sa buhay upang maging bahagi ng pagliligtas na nais ganapin ng Diyos para sa ating sarili at para sa ating kapwa? Paanong ang sakit na dinanas natin ay naglahong parang bula dahil sa di inaasahang katu-paran na higit pa sa inasam!
© Copyright Pang Araw-Araw 2022