Ebanghelyo: Lucas 24:13-35*
Nang araw ring iyon, dalawa sa mga alagad ang naglalakad pa-Emmaus na isang nayong mga labin limang kilometro mula sa Jerusalem. Pinag-uusa pan nila ang mga nangyari. Sa kanilang pag-uusap at pag ta talakayan, lumapit si Jesus at nakisabay sa paglakad nila pero parang may kung anong hadlang sa kanilang mga mata at hindi nila siya nakilala.
Tinanong niya sila: “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” Tumigil silang mukhang malungkot. Sumagot ang isa sa kanila na nagngangalang Cleofas: “Bakit, mukhang ikaw lang ang kaisa-isahan sa Jerusalem na di alam ang mga nangyari roon nitong mga ilang araw?”
Itinanong niya: “Ano?” Sumagot sila: “Tungkol kay Jesus na taga-Nazaret. Sa paningin ng Diyos at ng buong baya’y isa siyang propetang makapangyarihan sa gawa at salita. Ngunit isinakdal siya ng aming mga punong-pari at mga pinuno para mahatulang mamatay at ipinako siya sa krus. Umaasa pa naman kaming siya ang tutubos sa Israel ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ang lahat ng ito. (…)
Sinabi sa kanila ni Jesus: “Mga hindi makaunawa at ma-pupurol ang isip para maniwala sa lahat ng ipinahayag ng mga propeta. (…) At sinimulan niyang ipaliwanag sa kanila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya, mula kay Moises hanggang sa lahat ng Propeta.
Nang malapit na sila sa nayong pupuntahan nila, parang magpapatuloy pa siya ng paglakad. Pero pinilit nila siya: “Manatili kang kasama namin dahil dapit hapon na at lumu-lubog na ang araw.” Kaya pumasok siya at sumama sa kanila. Nang nasa hapag na siyang kasalo nila, kumuha siya ng tinapay, nagpuri at pini raso ito at ibinigay sa kanila.
At noo’y nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya, at nawala siya sa kanilang paningin. Nag-usap sila: “Hindi ba’t nag-aalab ang ating puso nang kinakausap niya tayo sa daan at ipinaliliwanag sa atin ang mga Kasulatan?”
Noon di’y tumayo sila at nagbalik sa Jerusalem. Nakita nila roon na magkakasama ang Labing-isa at ang iba nilang kasamahan. Sinabi ng mga iyon sa kanila: “Totoo ngang binuhay ang Panginoon at napakita siya kay Simon.” At isinalaysay naman nila ang nangyari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay.
Pagninilay
Sa Unang Pagbasa, sa salitang binigkas ni Pedro, “Sa ngalan ni Jesucristo: lumakad ka.” Nagkaroon ng kagalingan. Sa ebanghelyo, habang nagsasalita si Jesus sa dalawang alagad patungo sa Emaus, nag-alab ang kanilang puso.”
Ang kapangyarihan ng salita ay nararanasan din natin sa araw-araw nating pamumuhay. Sa panahon ng pagsubok o kung ako’y duma-raan sa dilim o kawalan ng pag-asa, mahirap tahakin ang landas ng pag-sunod kay Jesus. Lilinga-linga akong nagha hanap ng kaunti man lang na liwanag, ng kahit bahagyang hudyat na nasa tama akong daan. Ano’t may bubulong na isang kapatid “Ipinagdarasal kita.” O di kaya’y may ngiti sa labi at magsasabi, “Kaya mo yan!” Wow! Parang magic… biglang gagaan lahat at may ningning sa mata ay ma sa sambit ko, “Buhay si Jesus!” Ma kapangyarihan ang salita, lalo na’t lulan ay pagpapahalaga at pagmamalasakit sa kapwa. Ang hiwaga ng panalangin at pagma-mahal sa kapwa ang tabing na kung mahawi ay syang magbubunyag kay Jesus sa ating kapaligiran.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022