Ebanghelyo: Juan 4:43-54
Pagkatapos ng dalawang araw, umalis siya roon pa-Galilea. Nagpatunay nga mismo si Jesus na hindi pinararangalan ang propeta sa sariling bayan. Gayon pa man, pagdating niya sa Galilea, tinanggap siya ng mga Galileo dahil nasaksihan nila ang lahat ng ginawa niya sa Piyesta sa Jerusalem. Naroon nga rin sila mismo sa Piyesta.
Nagpunta siyang muli sa Kana ng Galilea, doon niya ginawang alak ang tubig. At nangyari, na ang anak na lalaki ng isang opisyal ng hari ay maysakit sa Capernaum. Nang marinig niyang dumating si Jesus sa Galilea galing Judea, pinuntahan niya siya at ipinakiusap na lumusong at pagalingin ang kanyang anak na nasa bingit ng kamatayan.
Kaya sinabi sa kanya ni Jesus: “Hangga’t hindi kayo nakakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, hindi kayo maniniwala.” Sinabi naman sa kanya ng opisyal: “Lumusong kayo bago mamatay ang anak ko.” At sinabi sa kanya ni Jesus: “Makauuwi ka na. Buhay ang anak mo.”
Naniwala ang tao sa salitang sinabi sa kanya ni Jesus at umuwi siya. At habang palusong na siya, sinalubong siya ng kanyang mga alipin at sinabing buhay ang anak niya. Inalam niya sa kanila ang oras nang magsimula siyang umigi, at sinabi nila: “Kahapon po nang ala-una ng tanghali siya inibsan ng lagnat.” Kaya nalaman ng ama na ito ang oras nang sabihin sa kanya ni Jesus: “Buhay ang anak mo.” At naniwala siya at ang buo niyang sambahayan.
Ginawa ni Jesus ang ikalawang tandang ito pagkarating niya sa Galilea galing Judea.
Pagninilay
Sa Cana, isang opisyal ng hari mula sa Capernaum ang lu-ma pit kay Jesus at naki usap sa kanya na pumunta sa kanyang bahay at pagalingin ang kanyang anak na may malubhang karamdaman. Si-na bihan siya ni Jesus na umuwi na, sapagkat mabubuhay ang kan yang anak. Ang opisyal ng hari ay na ni-niwala sa salitang sinabi ni Jesus. Sa katunayan, habang nasa daan pa, sinalubong siya ng kanyang mga alipin, na nagdala ng mabuting ba lita na buhay ang kanyang anak.
Ang pananampalataya ng opis-yal kay Jesus ay ipinahayag sa pama-magitan ng kanyang pagsunod sa mga sinabi ni Jesus: Siya ay umalis nang hindi nagtanong pa kay Jesus kung paano gagaling ang kanyang anak. Ang pananampalataya ay hindi maaaring hindi gumagalaw (static); dapat palagi itong bago (dynamic). Ang ating pananampa-lataya kay Jesus ay hindi dapat ipa-hayag lamang sa mga salita, dapat itong makita sa ating pagsunod sa mga salita ni Jesus.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022