Ebanghelyo: Marcos 8:27-33
At pumunta si Jesus kasama ang kanyang mga alagad sa mga nayon ng Cesarea ni Filipo. At habang nasa daa’y tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Sino raw ako ayon sa mga tao?” Sumagot sila: “May nagsasabing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o isa sa mga propeta kaya.”
At tinanong niya sila: “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” At sumagot si Pedro: “Ikaw ang Mesiyas.” At inutusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang tungkol sa kanya. At sinimulan niyang ituro sa kanila na kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon pagkatapos ng tatlong araw. At buong-tapang siyang nagsalita. Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulan siyang pagsabihan. Ngunit pagtalikod ni Jesus, nakita niya na naroon din ang kanyang mga alagad. Kaya pinagsabihan niya si Pedro: “Sa likod ko, Satanas! Hindi sa Diyos galing ang iniisip mo kundi mula sa tao.”
Paninilay
“Hindi sa Diyos galing ang iniisip mo kundi mula sa tao.” May mga bagay tayong ginagawa na akala natin ay naaayon sa kalooban ng Diyos. Akala natin tama ito, hanggang sa bigla na lang ito babaligtarin ng tadhana. Ito marahil ang naramdaman ni Pedro. Pagkatapos niyang sumagot ng ma-husay sa tanong ni Jesus, bigla na lang siyang pinagsabihan sa harap ng mga kaibigan. Pero minsan, ga noon nga tayo.
Hinuhusgahan natin ang mga pangyayari ayon sa batayan ng tao at hindi ayon sa batayan ng Diyos.
Gawain at karaniwan na sa ating manghusga gamit ang batayan natin bilang mga tao. May malawak na pagkakaiba kung paano humusga ang Diyos at kung paano tayo hu-musga. Kadalasan pa ay hindi natin namamalayan na hinuhusgahan na pala natin ang ating kapwa at may-roon na tayong ideya sa kanila, base sa kung ano ang akala natin. Kada-lasan din mali o kulang ang pang-huhusga natin dahil binabase lang natin ito sa kanilang pag-uugali, sa suot-suot nilang damit, o iba pang mga panlabas na kaanyuan.
Ang katotohanan ay hindi natin gusto kapag hinuhusgahan tayo ng iba; gayon pa man, marami sa atin ang humuhusga sa iba nang hindi man lang iniisip! Subukan nating mas maging bukas ang isipan at bawasan ang paghusga.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022