Ebanghelyo: Marcos 6:30-34
Pagbalik ng mga apostol kay Jesus, isinalaysay nila sa kanya ang lahat nilang ginawa at itinuro. Sinabi naman niya sa kanila: “Tayo na sa isang ilang na lugar para mapag-isa tayo at makapagpahinga kayo nang kaunti.” Sapagkat doo’y marami ang paroo’t parito at hindi man lamang sila makakain. Kaya lumayo sila at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar.
Ngunit nakita silang umalis ng ilan at nabalitaan ito ng marami. Kaya nagtakbuhan sila mula sa kani-kanilang bayan at nauna pang dumating na lakad kaysa kanila.
Pagdating ni Jesus sa pampang, nakita niya ang mara-ming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nag-simula siyang magturo sa kanila nang matagal.
Pagninilay
Minsan sa kagustuhan natin na matapos na ang isang bagay, gagawin natin ito na para bang wala nang bukas – lalo na kung ginaganahan tayo. O kaya naman kung may nakikita tayong mabuting naidudulot nito sa atin o sa ibang tao, para bang ayaw na natin itong bitawan. Dahil dito, sinisimulan na nating bitiwan ang iba’t ibang bagay, hanggang sa malulong na tayo dito. Sabi nga ng isang espiritual director namin, “Kung masyado ka ng abala at wala ng panahon magdasal, masyado ka ng abala.”
Kaya naman pagkatapos ng kanilang misyon, inimbitahan ni Jesus ang mga disipulo sa isang hand aan upang pakinggan ang kani lang mga ginawa. Marahil gusto rin nilang marinig ang kwento ng bawat isa at buhayin muli ang ugnayan sa pagitan ng kanyang mga disipulo. Inanyayahan sila ni Jesus na pumunta sa ‘ilang na lugar’, isang lugar kung saan mabubusog ang kanilang katawan at kaluluwa. Kai-langan nilang mabawi ang kanilang pisikal at espirituwal na lakas upang maging handa muli sila para sa mga hinaharap na misyon. Tayo rin ay ina-an yayahan na sumama sa kanya sa ‘ilang’ para magpahinga at mag-kwentuhan. Kailan ka ba huling nag-pahinga sa piling ni Jesus?
© Copyright Pang Araw-Araw 2022