Ebanghelyo: Marcos 3:13-19
At umakyat si Jesus sa burol at tinawag ang mga gusto niya. At lumapit sila sa kanya.
Sa gayon niya hinirang ang Labin-dalawa (na tinawag din niyang Mga Apostol) upang makasama niya at maipadala sila para mangaral at magkaroon ng kapangyarihan para palayasin ang mga demonyo.
Kaya itinalaga niya ang Labindalawa at tinawag na Pedro si Simon, at si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan, at tinawag niya silang Boanerges, na ang ibig sabihi’y “Sina-Parang-Kulog”; at saka si Andres, at si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo, si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya.
Pagninilay
May isang video sa Youtube na pinamagatang The March of the Unqualified. Nililista nito ang mga tinawag ng Diyos, ngunit hindi dahil sa kanilang mga mabu-buting katangian. Mga ilang halim-bawa: sinasabing, si Noe ay isang lasenggero; si Jacob ay sinungaling; si Jonah ay tumakas sa Panginoon; si Abraham ay mas yadong matanda; natakot si Gideon; nalugi si Job; si Jere mias ay iyakin; si David nang-agaw ng asawa; ang mga apostol ay nakatulog habang nagdarasal; itinanggi ni Pedro ang kanyang Guro at si Lazarus ay patay na! Kung sa palagay natin ay hindi tayo magaga-mit ng Diyos, alalahanin lamang ang mga taong ito.
Ang akala natin, mga banal at mababait na tao lang ang tinatawag ng Diyos para maging alagad niya. Ipinapaalala sa atin ng Pangala-wang Konseho sa Vatican na lahat tayo ay tinawag ng Diyos sa pagpa-pakabanal. At hindi tayo kailangang maging pari o madre para maging banal. Kahit na anong estado natin sa buhay, pwede tayong maging ba nal. Sa ating mga gawain, sa ating pakikipag-kapwa, sa lahat ng aspeto ng ating buhay ay mga oportunidad sa pagpapakabanal. Minsan mahirap lang itong gampanin dahil sa naka-paligid na kultura natin. Pero hindi ito isang dahilan kung bakit hindi natin ito dapat gawin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022