Ebanghelyo: Juan 6:41-51
Kaya nagbulung-bulungan ang mga Judio tungkol sa kanya dahil sinabi niyang: “Ako siyang tinapay na pumanaog mula sa Langit.” At sinabi nila, “Di ba’t ito si Jesus na anak ni Jose? Di ba’t kilala natin ang kanyang ama at ina? Paano niya ngayong masasabing ‘Mula sa Langit ako pumanaog?”
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: “Huwag na kayong magbulung-bulungan pa sa isa’t isa. Walang makalalapit sa akin kung hindi siya aakitin ng Amang nagpadala sa akin. At itatayo ko siya sa huling araw. Nasusulat sa Mga Propeta: Tuturuan nga silang lahat ng Diyos. Kaya lumalapit sa akin ang bawat nakarinig at tinuruan ng Ama.
Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos; siya ang nakakita sa Diyos. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, may buhay magpakailanman ang naniniwala.
Ako siyang tinapay ng buhay. Kumain nga ng manna sa disyerto ang inyong mga ninuno at nangamatay pa rin. Narito naman ang tinapay na pumapanaog mula sa Langit, upang makakain nito ang sinuman at di mamatay. Ako siyang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang laman ko ang tinapay na aking ibibigay alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.
Pagninilay
After defeating the prophets of Baal, Elijah was persecuted by the Queen Jezebel who wanted to kill him. He ran for his life into the desert; unprotected he felt alone. He gave up and even wanted to die: “Tama na, O Yawe. Kunin mo na ang aking buhay sapagkat wala akong ipinag-iba sa aking mga ninuno.” Yet, God “fed” him; God took care of him that he may continue his journey. Pagkaraan ng 40 araw at 40 gabi (ang 40 dito ay isang simbolo, nangangahulugan ng napakalayong lugar) narating niya ang bundok ng Diyos, ang Bundok ng Horeb. Ang “pagkain” ng Diyos ang siyang maaaring magpanatili sa atin sa pinakamahaba at pinakamahirap na paglalakbay sa ating buhay. The experience of Elijah points us of Jesus giving himself as the real “food” that will sustain us: “Ako siyang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman.” We are pilgrims in this life. We need sustenance to reach our definitive encounter with God: “Ako siyang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang nakalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko” (Jn. 14:6). Inaanyayahan tayo ni Jesus na lumapit sa kanya habang nakakaranas tayo ng mga pagkabigo, at kapag ang paglalakbay ay nakakapagal na (Mt. 11:28). In the Eucharist we get into full contact with Jesus; we get a chockfull of this “food” that sustains us. Si Pablo, sa ikalawang pagbasa, ay hinihikayat tayo na pigilan o labanan ang lahat ng uri ng egoismo sa paglalakbay: “Iwan ninyo lahat ng kabuktutan: sama ng loob, galit, poot, pambubulyaw at paglait. Magpakabait kayo, at magkaroon ng malasakit, at magpatawad sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Kristo.”
© Copyright Pang Araw-Araw 2021