Ebanghelyo: Marcos 6:7-13
At tinawag niya ang Labindalawa at sinimulang isugo sila nang dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihan sa mga maruming espiritu. At sinabihan niya silang huwag magdala ng anuman para sa paglalakbay kundi tungkod lamang. Walang pagkain, walang pitaka o pera sa sinturon. Nakasandalyas at may isang damit lang.
At sinabi niya sa kanila: “Pagtuloy ninyo sa isang bahay, manatili kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo mula roon. Kung may lugar na hindi tatanggap o makikinig sa inyo, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal sa kanila.”
At pag-alis nila, ipinangaral nila ang pagbabalik- loob. Maraming demonyo ang kanilang pinalayas at marami ring maysakit ang pinagaling nila sa pagpapahid ng langis.
Pagninilay
Nakita natin sa unang pagbasa ng nakaraang Linggo ang pagtatwa sa propetang si Ezekiel ng kanyang mga kababayan. Ganito rin ang matatagpuan natin sa karanasan ni Amos bilang propeta. Tumugon si Amos sa mga taong tumutuligsa sa kanya na wala siyang interes na maging propeta. Sinusunod lamang niya ang mga tagubilin ni Yahweh. Agents of God’s message are always not accepted for theycreate trouble to the known system that perpetuates evil and sin. Jesus has already alerted his discipleship on the coming persecution: “Kung may lugar na hindi tatanggap o makikinig sa inyo, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal sa kanila.” Yet, even in persecution the disciples need not be hateful but should maintain his or her identity as agents of transforming love. “To shake off the dust” is not a negative statement; it may be an instruction not to be contaminated by the rejection received. We should not allow our hearts to be poisoned by the anger and hate of our persecutors, lest we become one like them Paul in the second reading reminds us the fecundity of our identity and mission. Sa pamamagitan ni Kristo ay pinagpala tayo ng lahat ng uri ng pagpapala mula sa langit; hindi tayo maaaring maging tagapagdala ng sumpa at kasamaan. Maaari lamang tayong maging mga tagapagdala ng pagpapala maging sa mga umuusig sa atin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021