Ebanghelyo: Marcos 14:1 – 15:47*
Dalawang araw bago mag-Paskuwa at mag-Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura, nagsikap ang mga punongpari at mga guro ng Batas na gumawa ng pakana para mahuli at mapatay si Jesus. Ngunit sinabi nila: “Hindi ngayon sa piyestang ito, at baka magkagulo ang mga tao.”
Nang nasa Betania si Jesus at nasa hapag sa bahay ni Simong ketongin, isang babae ang lumapit sa kanya, daladala ang isang sisidlang may purong pabangong-mira. Binasag niya ang sisidlan at ibinuhos ito sa ulo ni Jesus. Kaya may ilang nagalit at kanilang sinabi: “Bakit sinasayang ang pabangong ito! Maipagbibili sana ang mirang ito nang higit pa sa tatlundaang denaryo at maibibigay sa mga dukha.” At nagbulung-bulungan sila laban sa babae.
Sinabi naman ni Jesus: “Bakit ninyo siya ginugulo? Huwag ninyo siyang pakialaman. Mabuting gawain ang ginawa niya sa akin. Ang mga dukha’y laging nasa inyo at matutulungan ninyo sila kailanman ninyo naisin pero ako’y hindi laging nasa inyo. Ginawa niya ang para sa kanya: inihanda na niya ngayon pa man ang aking katawan para sa paglilibing. Talagang sinasabi ko sa inyo: saan man ipahayag ang Ebanghelyo – sa buong daigdig – mababanggit din ang ginawa niya sa akin bilang pag-alaala sa kanya.”
At pumunta sa mga punong-pari si Judas Iskariote na isa sa Labindalawa para ibigay si Jesus sa kanila. Natuwa sila sa pagkarinig sa kanya at nangakong bibigyan siya ng pera. Kaya naghanap siya ng pagkakataong maipagkanulo siya.
Sa unang araw ng Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura, nang kinakatay ang mga tupang pampaskuwa, sinabi kay Jesus ng kanyang mga alagad: “Saan mo kaMik gustong pumunta para maghanda ng Hapunang Pampaskuwa para sa iyo?”
Kaya ipinadala niya ang dalawa sa kanyang mga alagad sa pagsasabing: “Pagpunta ninyo sa lunsod, sasalubungin kayo ng isang lalaking may pasang isang bangang tubig. Sumunod kayo sa kanya at sabihin ninyo sa may-ari ng bahay na pupuntahan niya, ‘Ito ang sabi ng Guro: Nasaan ang kuwarto para sa akin para pagsaluhan namin ng aking mga alagad ang Hapunang Pampaskuwa?’ Ituturo niya sa inyo ang isang malawak na silid sa itaas na ayos na at may mga kagamitan. Doon kayo maghanda para sa atin.” (…)
Pagninilay
The liturgy today presents to us the narration of Jesus’ passion from the Gospel according to Mark. This narrative marks the events that we will celebrate this Holy Week. We call this Holy Week because we will be sanctified together with Jesus through his passion, death and resurrection. It is interesting to note that the passion of Jesus actually begins with a supper, a gathering which is supposed to be a feast, a celebration in memory of a great liberation event in the life of the Israelites. But here becomes a gloomy preparation, a prelude to a “deathly” event. Around the table there is someone who is a traitor (Judas), there are those who do not understand what is goingon and what will come (Peter and other disciples) and finally, there is someone who knows very well what is to come and what does it take to “fulfill” the will of the Father (Jesus). This table of communion will mark the “departures” of many that will follow soon: from betrayal to denial to abandonment. Outside of this room there are so much power movements, leaders planning a condemnation, people plotting to kill… to kill Jesus. Jesus is aware of these. He is also aware of the demands of this last leg of the journey: passion and death. But the ways of the Father is inscrutable: salvation from death through death. Inaanyayahan tayo ng liturhiya ngayon para sa isang banal na pagninilay sa pagpapakasakit ni Jesus. Pagnilayan natin ang pinakadakilang kuwento ng pagliligtas. Samahan natin si Jesus sa bawat hakbang na ginawa niya upang mabigyan tayo ng buhay. Ito ang ating paglalakbay ngayong Semana Santa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021