Ebanghelyo: Marcos 6:53-56
Dumating si Jesus at ang kanyang mga alagad
sa pampang ng Genesaret at doon nila isinadsad ang
bangka. Paglunsad nila ng bangka, nakilala si Jesus ng
mga tagaroon at patakbo nilang ipinamalita ito sa lupaing
iyon. Kaya dinala nila ang mga maysakit na nasa higaan
kung saan nila mabalitaang naroon siya. At saanman siya
lumakad, sa mga nayon man o sa bayan o sa bukid, inilalagay
nila sa mga liwasan ang mga maysakit at nakikiusap
sa kanya na mahipo man lamang sana nila ang laylayan
ng kanyang damit, at gumaling ang lahat ng humipo rito.
Pagninilay
Kapag panahon ng halalan, ang mga pulitiko ay nagsisimulang
manghikayat ng mga tao sa pamamagitan ng mga patalastas na
nagsasabing kaya nilang tumugon sa mga pangangailangan ng mga
tao at may mga dala silang solusyon sa mga problema ng bansa. Nakikita
natin ang iba’t ibang sitwasyon sa ebanghelyo; ang mga tao mismo
ay nagtipun-tipon kay Jesus dahil narinig nila ang kanyang mabuting
gawa ng pagpapagaling sa maysakit. Si Jesus ay hindi umakyat sa
isang entablado upang ipaalam ang kanyang mga himala. Ang kanyang
mabubuting gawa ay nauna sa kanya. Maaaring hindi tayo isang
politiko, ngunit may kakayahan ba tayong hikayatin ang mga tao
sa ating sarili para sa ating sariling adyenda? Ang pagkilos ay mas
malakas kaysa sa ating mga gawa. Ang tahimik na tubig ay tumatakbo
nang malalim.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020