by Abraham de la Torre
Nung ako’y bata pa
Bago sa isip mundo ay nang-abala
Kakargahin ni ama
At isasayaw kasabay si ina
Iiikot hanggang maidlip
At marahang ilalatag sa banig
Noon pa’y mahal na ako
Kung meron pang isang saglit
Isang lakad isang sulyap kahit
Paulit-ulit kong ibig na marinig
Himig ng pagsinta sa sayaw naming mag-ama
Pag pinapagalitan ni ina
Para maka-iwas tatakbo kay ama
Patatahanin niya ang tampo ko
Ngunit sa huli masusunod ang kay inang gusto
Isang gabing ako ay tulog
Hinaplos niya ang aking buhok
Di na nagisnan ang kanyang lisan
Kung meron pang isang sulyap
Isang hakbang isang sayaw kahit
Paulit-ulit kong ibig na marinig
Himig ng pagsinta sa sayaw naming mag-ama
Minsa’y dinig ko ang aking ina
Tinatawag ang pangalan niya
Dasal ko’y para lang sa kanya
Kahit sa aki’y walang matira
Alam kong ang hiling ko’y sagad na’t labis
Pwede bang ibalik ang tangi niyang pag-ibig
Hindi Mo ito ginagawa sa twina
Ibalik kay ina ang sayaw naming mag-ama
Tuwing ako’y maiidlip
Ito ang aking panaginip