Ebanghelyo: Lucas 8:4-15
Napakakapal na tao ang nagkakatipon dahil pinupuntahan si Jesus ng mga tao mula sa kani-kanilang mga bayan. Kaya nagsalita siya sa talinhaga: Lumabas ang manghahasik para maghasik ng kanyang binhi. Sa kanyang paghahasik, may ilang butong nahulog sa tabi ng daan at tinapak-tapakan at kinain ng mga ibon sa langit. Nahulog ang iba sa batuhan, at nang sumibol ay nalanta dahil sa kawalan ng halumigmig. Nahulog ang iba pang buto sa gitna ng tinikan, at sa sabay nilang paglaki, sinikil ito ng mga tinik. Nahulog naman ang iba pa sa matabang lupa at nang sumibol ay nagbunga nang tig-iisang daan.” Pagkasabi nito’y sumigaw siya: “Makinig ang may tainga.” At tinanong siya ng kanyang mga alagad kung ano ang kahulugan ng talinhagang ito. Kayat sinabi niya: “Sa inyo ipinagkaloob na malaman ang mga lihim ng kaharian ng Diyos, at sa iba nama’y sa mga talinhaga lamang para tumingin sila at hindi makakita, makinig at hindi makaunawa. Ito ang kahulugan ng talinhaga. Ang binhi ay ang salita ng Diyos. Ang mga nasa tabi ng daan ay ang mga nakakarinig nito pero agad namang dumarating ang diyablo; inaagaw niya ang salita mula sa kanilang isipan upang huwag silang manalig at maligtas. Ang mga nasa batuhan ay ang mga nakakarinig na masayang tinatanggap ang salita. Ngunit wala silang ugat kaya sandali silang nananalig at tumitiwalag naman sa panahon ng tukso. Ang nahulog naman sa mga tinikan ay ang mga nakakarinig ngunit sa pagpapatuloy nila’y sinikil ng mga kabalisahan, ng kayamanan at ng mga kasiyahan sa buhay kaya hindi sila nakapagbunga. Ang nahulog naman sa matabang lupa ay ang mga nakakarinig sa salita at iniingatan ito nang may dakila’t mabuting loob at nagbubunga sila sa kanilang pagtitiyaga.
Pagninilay
Madalas nagtuturo si Jesus sa pamamagitan ng mga talinhaga ngunit minsan lang nagpapaliwanag siya kung ano ang kahulugan ng mga ito. Si Jesus mismo ang maghahasik at ang binhi ay ang kanyang Salita. Minsan nahuhulog ito sa tabi ng daan, minsan sa batuhan o sa tabi ng tinikan, minsan din naman sa mabuting lupa. Ano naman ang mga bato at tinik? Ito ang mga problema o mga kaugalian na nagpapalayo sa Diyos: pagganti, pangangalunya, sama ng loob, paninirang-puri, pagiging makasarili… lahat nito ay nakakapatay ng pang-espiritual na buhay. Paano magiging matabang lupa ang tao? Kailangang makinig sa Salita ng Diyos at makaunawa. Sana laging abot-kamay natin ang Biblya at ito’y ating pagnilayan. Itinuturo sa atin ng Simbahan ang Lectio Divina o tamang pagbasa ng Bibliya: simula tayo sa Lectio (magbasa), sumunod ang Meditation (pagninilay), at matapos sa Oratio o panalangin kung saan mararanasan natin ang presensiya ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020