Ebanghelyo: Mateo 10:7-15
Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian ng Langit.’ Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga may ketong at palayasin ang mga demonyo. Tinanggap ninyo ito nang walang bayad kaya ibigay rin ninyo nang walang bayad. Huwag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandalyas o tungkod, sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang ikabubuhay. Pagdating ninyo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at makituloy sa kanya hanggang sa inyong pag-alis. Pagpasok ninyo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. Kung karapat-dapat ang sambahayang ito, sasakanila ang kapayapaang dinasal ninyo; kung hindi naman karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal. At kung may bahay o bayang hindi tatanggap sa inyo bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa. Sinasabi ko sa inyo, mas magiging magaan pa sa araw ng paghuhukom para sa mga taga-Sodom at Gomorra kaysa bayang iyon.
Pagninilay
Sinugo ni Jesus ang kanyang mga alagad upang ipahayag ang Kaharian ng Langit. Bilin niya na hindi lang sa salita magpahayag kundi sa pamamagitan din ng kawang-gawa: dapat pagalingin ang mga may sakit sa katawan at kaluluwa at alagaan ang mga itinataboy ng mundo. Ang misyon ng mga alagad ay gagawin ayon sa simplicity of life: “Huwag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa…” ang sabi ni Jesus. Ang tagumpay sa kanilang misyon ay galing sa Diyos, at hindi mula sa material na mga bagay. Nagbabala din si Jesus na baka hindi sila pakikinggan ng mga tao, payo niya na mag move-on sila agad. Malinaw sa mga alagad na hindi magiging madali ang misyong ibinigay sa kanila ni Jesus at handa na sila sa pagtatakwil. Nakarinig na ba kayo na madali ang pagiging isang alagad ni Jesus? Sa iyong sarili, Noon ba ay nahirapan ka sa mga gawain mo, ikaw ba ay nakapagmove-on agad o you got stuck in the mud gawa ng galit at poot?
© Copyright Pang Araw-Araw 2020