Ebanghelyo: Lucas 13:1-9
Dumating naman ang ilang tao na nagbalita kay Jesus ng nangyari sa Templo. Ipinapatay nga ni Pilato ang mga taga-Galilea at nahalo ang kanilang dugo sa mga handog nila. Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sa akala ba ninyo’y mas makasalanan ang mga taga-Galileang iyon kaysa lahat ng mga taga-Galilea dahil sila ang nagdusa? Hindi. At sinasabi ko sa inyo: kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat. Gayon din naman sa namatay na labingwalong taong nabagsakan ng tore sa Siloe, sa akala ba ninyo’y mas may utang sila sa Diyos kaysa lahat ng naninirahan sa Jerusalem? Sinasabi ko: hindi, pero kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat.” At sinabi ni Jesus ang talinghagang ito: “May taong may isang puno ng igos sa Kanyang ubasan. At pumunta Siya para maghanap ng mga bunga pero wala siyang nakita. Kaya sinabi Niya sa nag-aalaga ng ubasan: ‘Tatlong taon na akong pumaparito sa paghahanap ng mga bunga sa punong-igos na iyan at wala akong nakita. Putulin mo iyan at pampasikip lang sa lupa.’ Ngunit sumagot sa Kanya ang tauhan: ‘Ginoo, pabayaan mo na Siya ngayong taon. Maghuhukay ako sa paligid nito at lalagyan ng pataba. Baka sakaling mamunga Siya ngunit kung hindi’y saka mo Siya putulin.Pagninilay
Isa pang pagkakataon. Ito ang madalas nating marinig na hiling ng isang taong nagkasala na humihingi ng pagkakataong maituwid ang Kanyang mali. Isa pang pagkakataon upang patunayang may pag-asang magbago ang isang tao. Isa pang pagkakataon upang patunayang may likas na kabutihang taglay ang bawat isa. Isa pang pagkakataon upang magbalik-loob, bumangon sa pagkakadapa, linisin ang sarili at magsimulang muli nang may bagong pag-asa. Sa kabila ng ating pagkakalugmok sa sala, hindi tayo binibitawan ng Diyos. May bago pang pagkakataon. Gamitin at huwag sayangin.© Copyright Pang Araw-Araw 2019