Ebanghelyo: Lucas 17:11-19
Habang papunta si Jesus sa Jerusalem, dumaan Siya sa hangganan ng Samaria sa Galilea. At pagpasok Niya sa isang nayon, may sampung lalaking may ketong ang lumabas para salubungin siya. Tumayo ang mga ito sa malayo at tumawag nang malakas: “Jesus, Guro, maawa ka sa amin.” At sinabi naman sa kanila ni Jesus: “Umalis kayo at humarap sa mga pari.” At nangyari na gumaling sila habang naglalakad. Isa sa kanila ang agad na nagbalik nang makita Niyang gumaling siya, at pasigaw Niyang pinuri ang Diyos. Nagpatirapa Siya sa paanan ni Jesus, sa pagpapasalamat sa Kanya. Isa siyang Samaritano. Kaya sinabi ni Jesus: “Di ba’t sampu ang gumaling? Nasaan ang siyam? Wala bang bumalik para magpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” At sinabi sa Kanya ni Jesus: “Tumayo ka, iniligtas ka ng iyong pananampalataya.”Pagninilay
Sa Prepasyo ng Panalanging Eukaristiko binabanggit ng pari ang paanyayang “Pasalamatan natin ang Panginoong Diyos.” Tumutugon naman ang bayan ng “Marapat na siya’y pasalamatan.” Tunay ngang marapat na pasalamatan ang Panginoon sa lahat ng Kanyang dakilang gawa. Ang pagpapasalamat ay pagkilala hindi lamang sa biyayang natanggap kundi lalo’t higit sa taong nagbigay ng biyaya. Ang “ibinigay” ay kumakatawan lamang sa “nagbigay”. Ang pagpapasalamat na ito ay Siya ring magdadala sa atin sa pagpupuri. Labis ang kagalakang nadarama ng isang pusong mapagpasalamat kung kaya’t kusa itong dinadala sa pagpupuri sa Diyos. Tulad ng Samaritanong pinagaling sa Kanyang ketong, matuto nawa tayong magpasalamat at magpuri sa Diyos.© Copyright Pang Araw-Araw 2019