Tulog
Matulog ka na
Tulog
Takipsilim na
Hilig sa king bisig
Duyan sa king katawan
Tulog
Sa aking haplos
Tulog
Sa aking lamyos
Siping sa king piling
Latag sa king magdamag
Hmm huwag gagalaw
Anas lang ang ating ingay
Tayo’y mahihimlay, mahihimlay
Saglit, dahan-dahan hmm, tahan
Tulog
Sa aking lambing
Tulog
Hanggang mahimbing
Lutang sa king isip
Sa ting panaginip
by Abraham dela Torre