Ebanghelyo: Marcos 9:38-43, 45, 47-48
Sinabi naman sa kanya ni Juan: “Guro, nakita namin ang isang di natin kasama na nagpapalayas ng mga demonyo sa bisa ng iyong pangalan. Ngunit pinigil namin siya dahil hindi natin siya kasama.” At sinabi ni Jesus: “Huwag ninyo siyang pigilan. Wala ngang gumagawa ng himala sa bisa ng aking pangalan na agad na magsasalita laban sa akin. Ang hindi laban sa atin ay kampi sa atin.
At kung may magpainom sa inyo ng malamig na tubig alang-alang sa aking pangalan dahil kay Kristo kayo, talagang sinasabi ko sa inyo na hindi siya mananatiling walang gantimpala.
Ngunit kung may tumisod at magpadapa sa isa sa maliliit na ito na nananalig, mas makabubuti pa para sa kanya na itapon siya sa dagat na may taling malaking bato sa kanyang leeg.
Kung ang kamay mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok na pingkaw sa buhay kaysa matapon sa walang hanggang apoy ng impiyerno na may dalawang kamay. At kung ang paa mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok na pilay sa buhay kaysa matapon sa impiyerno na may dalawang paa. At kung ang mata mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, itapon mo ito. Mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Diyos na may isang mata kaysa matapon sa impiyerno na may dalawang mata, kung saan walang tigil ang mga uod sa kanila at walang kamatayan ang apoy.
Pagninilay
Joshua (in the first reading) and the disciples of Jesus (gospel reading) have the same reactions to the reports alluding that some people, apart from them, received a gift and were exercising activities they thought only proper for them. Joshua was quick: “Panginoon kong Moises, sawayin mo sila!” The disciples of Jesus even went farther: “Ngunit pinigil namin siya dahil hindi natin siya kasama.” Indeed, our blessings can only be authentic when they end up edifying others (Mt. 5:44-46). And even a simple act of love will never go unrewarded: “At kung may magpainom sa inyo ng malamig na tubig alangalang sa aking pangalan dahil kay Kristo kayo, talagang sinasabi ko sa inyo na hindi siya mananatiling walang gantimpala.” However, to overcome envy and jealousy, we need to master our heart. To love inclusively, we have to be single hearted. This is symbolically expressed by Jesus in saying it is better for us enter into heaven with one hand, one eye and one foot rather than perish to destruction with both hands, both eyes and both feet. This reminds us of the first commandment in the Old Testament: Makinig ka, Israel! Si Yaweng Diyos natin ay Isang-Yawe. Mahalin mo si Yaweng iyong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa at nang buo mong lakas. Isapuso mo ang mga salitang ito na iniuutos ko sa iyo ngayon (Dt. 6:4-6). James, in the second reading, strongly criticizes the dishonest, whose hearts are very much distracted and divided by power and wealth.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021