Ebanghelyo: Lucas 4:31-37
Bumaba siya sa Capernaum na isang bayan ng Galilea, kung saan niya nakaugaliang magturo tuwing Araw ng Pahinga. At nagulat ang mga tao sa kanyang aral dahil nagtuturo siya nang may kapangyarihan. May isang tao sa sinagoga na ina alihan ng maruming demon yo, na sumi gaw nang malakas: “Ah, ano ang paki alam mo sa amin, Jesus na tagaNazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka, ang Banal ng Diyos!” Ipinagutos naman sa kanya ni Jesus: “Tumahimik ka at lumabas sa kanya!” Pagkatapos ibu lagta ng demonyo ang tao sa gitna nila, lumabas ito mula sa kanya nang hindi sinasaktan. Nagtaka ang lahat at nagusapusap sila: “Ano ito? Naka paguutos siya sa maruruming espiritu nang may kapangya rihan at lakas, at lumalabas sila!” Kayat kumalat ang usapusapan tungkol sa kanya sa lahat ng lugar sa kaba yanan.
Pagninilay
“Anong meron sa kanyang salita?” Ito ang tanong ng mga taong nakasaksi sa pagtaboy ni Jesus sa demonyo. Kahit ang demonyo’y kilala si Jesus na Nazareno, ang Banal na Diyos! Ipinamalas ni Jesus ang kanyang kapangyarihan, ang demonyo’y sumunod sa kanya nang pinagaling Niya ang lalake. Lahat ng ito’y nangyari sa sinagoga na lugar sa pagdiriwang sa Salita ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay mapagpala at makapangyarihan. Nararapat na ang Salita ng Diyos ay bigyan ng karampatang halaga sa pamamagitan nang pakikinig, pagaaral, pagninilay, at pagsasabuhay nito upang matamo natin ang mapagpalang kapangyarihan nito. Papasukin ang Salita ng Panginoon sa ating mga puso upang maglaho ang mga taliwas nating gawi. Papasukin ang Salita ng Diyos sa ating mga tahanan upang manahan ang pagkakaisa, pagunawa, at pagibig.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023