Ebanghelyo: Mateo 25:14-30
Ipagpalagay natin na may isang tao, na bago mangibangbayan ay tinawag ang kanyang mga katulong at ipinag katiwala sa kanila ang kanyang mga ariarian. Limang talentong pilak ang ibi nigay niya sa una, dalawa naman sa isa pa, at isa sa pangatlo, batay sa kaya ng bawat isa. At saka siya umalis. Agad na ipinagnegosyo ito ng naka tanggap ng limang talento at kumita ng lima pa. Nagnegosyo rin ang naka tanggap ng dalawa at kumita ng dalawa pa. Humukay naman sa lupa ang may isang talento at itinago ang pilak ng kanyang amo. Pagkaraan ng matagal na pana hon, bumalik ang amo ng mga katu long na ito at hiningan sila ng pagsu sulit. Kaya lumapit ang naka tanggap ng limang talento dala ang tinubong lima pang bareta, at sinabi: ‘Pangi noon, ipinagkatiwala mo ang limang bareta sa akin, at tingnan mo, tumubo pa ako ng limang talento.’ Sumagot ang amo: ‘Mabuti, mabait at matapat na katulong; dahil naging tapat ka sa kaunting bagay, pagkakatiwalaan kita ng higit pa rito. Halika at makibahagi sa kaligayahan ng iyong panginoon.’ Lumapit naman ang may dalawang talento at nagsabi: ‘Panginoon, ipinag katiwala mo ang dalawang talento sa akin, at ngayo’y tumubo pa ako ng dalawang talento.’ Ang sabi ng amo: ‘Mabuti, mabait at matapat na katulong; dahil naging tapat ka sa kaunting bagay, pagkakatiwalaan kita ng higit pa rito. Halika at makibahagi sa kaligayahan ng iyong panginoon.’ Sa bandang huli, dumating ang nakatanggap ng isang talento at nag sabi: ‘Panginoon, alam kong ma higpit kang tao. Inaani mo ang di mo itinanim at nililikom ang hindi mo ipinag negosyo. Natakot ako kaya itinago ko ang iyong talento sa lupa. Heto ang sa iyo.’ Ngunit sinagot siya ng kanyang amo: ‘Masama at walang kuwentang katulong, alam mo palang inaani ko ang hindi ko itinanim at nililikom ang hindi ko ipinag negosyo. Sana’y dinala mo sa bangko ang aking pilak at maba bawi ko ang sa akin pati na ang tubo pag dating ko. Kaya kunin ang talento sa kanya at ibigay ito sa may sampu pa. Sapag kat sa sinumang meron, bibigyan pa siya at magkakaroon nang sagana; ngunit ang wala, maging ang sa kanya ay aagawin sa kanya. Para sa walang silbing katulong, itapon siya sa dilim kung saan may iyakan at pagngangalit ng ngipin.’
Pagninilay
Sa araw ng pakikipagusap, masaya ang amo sa utusan na mabuti at tapat. Dinagdagan pa niya ang sahod ng mga tapat at mabuting utusan at nakisalo sa kanila sa hapag dahil sa tuwa. Gayunpaman, para sa tamad na utusan, kahit ang konting meron sa kanya ay binawi at ibinigay sa mga nagsumikap. Ang paglalakbay sa mundo’y lumilipas. Binigyan tayo nang biyaya, talento, at kakayahan upang maging kapakipakinabang. Kung tayo’y magiging tamad, masasayang lamang ang mga biyayang pinagkaloob dahil hindi natin alam ang panahon kung kailan tayo kakausapin nang amo. Ang ating layunin ay ang manatiling mabuti at tapat na sumusunod sa Diyos. Ito’y makikita sa ating paglago sa lahat ng kanyang ipinagkaloob. Sa araw nang pakikipagusap, huhukuman tayo batay sa mga pinagsikapan nating palaguin. Ang ating sipag at pagsusumikap sa pagpapalago sa ating mga biyaya ay susuklian sa maligayang hapag ng Panginoon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023